Si Rudy Gobert, ang kauna-unahang NBA player na nagpositibo sa COVID-19, at ang iba pang manlalaro at staff ng Utah Jazz ay ligtas na sa coronavirus.
Ito ang sinabi ng Utah Department of Health matapos na nag negatibo ang panibagong test kay Gobert.
Nakumpirma na mayroong COVID-19 si Gobert bago magsimula ang laro ng Jazz kontra Oklahoma City Thunder noong Marso 11.
Sa araw ding iyon ay kinansela ng NBA ang mga laro sa kapakanan ng mga players at fans.
Nag negatibo na rin ang resulta ng test kay Donovan Mitchell, ang isa pang Utah player na nahawa ng bagong coronavirus.
Ang iba pang manlalaro at staff ng Jazz ay nakumpleto na ang 14-day quarantine at maaari na nilang makasama ang kanilang mga pamilya bagaman naka-lockdown pa rin ang malaking bahagi ng Estados Unidos, ang bansa na may pinakamaraming recorded case ng COVID-19.
Cleared na rin sa naturang virus si Christian Wood ng Detroit Pistons.
Hindi pa matiyak ng liga kung kailan magbabalik ang mga laro bagaman ang target nIto ay sa Hunyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.