TATLONG second generation players ng Philippine Basketball Association ang kabilang sa Gilas Pilipinas squad na lalahok sa darating na basketball competition ng Southeast Asian Games. Ito ay sina Bobby Ray Parks, Kiefer Ravena at Kobe Paras. Ang buong akala kasi ng lahat ay hindi na mababago o madadagdagan ang bilang ng mga manlalaro sa pool. […]
KUMPIYANSA ang kampo ng Australian challenger na si Jeff Horn na makakaabot ito sa weight limit para sa title fight nila ni Manny Pacquiao sa tinaguriang “Battle of Brisbane” bukas, Hulyo 2, sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia. Tatlong araw bago ang laban ay anim na libra pa na sobra sa takdang timbang ang dating […]
NAPIGILAN ng San Miguel Beermen ang matinding ratsada ng TNT KaTropa Texters sa huling yugto para maitala ang 111-102 pagwawagi at 3-2 Finals lead sa Game 5 ng 2017 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championship Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. Bumida para sa Beermen si Arwind Santos na gumawa ng 27 puntos at walong […]
Nasawi ang isang sundalo nang pagbabarilin ng kapwa kawal sa loob ng kanilang kampo sa Gamu, Isabela, Biyernes ng umaga, ayon sa militar. Ikinasawi ng biktima, na may ranggong sergeant, ang dalawang tama ng bala sa katawan, sabi ni Capt. Jefferson Somera, public affairs officer ng Army 5th Infantry Division. Sumuko naman ang suspek, na […]
Ilang celebrities, personalities at mga ordinaryong mamamayan ay nagbigay ng iskor kay Pang. Duterte para sa unang taon nitong panunungkulan. Kayo ano ang iskor nyo?
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4 ang La Union kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:17 ng umaga. Ang sentro nito ay apat na kilometro sa silangan ng Naguilian. May lalim itong 16 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate. […]
Walang nanalo sa P62.1 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola kagabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 34-28-29-16-09-03. Nanalo naman ng tig-P49,590 ang 19 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P540 naman ang 1,395 mananaya na nakaapat na numero […]
Siyamnapu’t apat na kasapi ng Abu Sayyaf ang napatay, 98 ang sumuko, at 66 ang naaresto dahil sa opensiba laban sa bandidong grupo nitong unang anim na buwan ng taon, ayon sa militar Biyernes. Naitala ang mga bilang simula Enero, sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, sabi ni Capt. Jo-Ann Petinglay, tagapagsalita ng Armed […]
PINURI ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo si Pangulong Duterte sa unang taon ng kanyang panunungkulan, kung saan partikular na binanggit niya ang mga malalaking reporma na ipinatupad ng pangulo. “President Rodrigo Duterte has shown awesome leadership and resolve in the many programs that he promised to do during his presidency,” […]
INILABAS na ang unang apat na entries para 2017 Metro Manila Film Festival. Makakasama dito ang pelikula nila Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach pati na rin ang pelikulang pagbibidahan nila Vic Sotto at Dawn Zulueta. Sa post sa official Facebook account ng MMFF, inanunsyo ang apat na pelikulang pasok sa darating na film […]