Anak ng PBA greats | Bandera

Anak ng PBA greats

Barry Pascua - June 30, 2017 - 10:05 PM

TATLONG second generation players ng Philippine Basketball Association ang kabilang sa Gilas Pilipinas squad na lalahok sa darating na basketball competition ng Southeast Asian Games.

Ito ay sina Bobby Ray Parks, Kiefer Ravena at Kobe Paras.

Ang buong akala kasi ng lahat ay hindi na mababago o madadagdagan ang bilang ng mga manlalaro sa pool. Akala natin ay ang 12 players na hindi nakabilang sa FIBA Asia qualifiers ang siyang lalaro sa SEA Games.

Pero kinailangan pa ring magdagdag dahil sa may mga players na patuloy na injured tulad ni Mac Belo at may player na nailaglag dahil sa pagliban sa ensayo tulad ni Arnold Van Opstal.

Magandang pagkakataon ito para kina Ravena at Parks upang masementuhan ang kanilang credentials. Inaasahan kasing lalahok na sila sa darating na PBA Draft. Noon pang isang taon sila hinihintay e. Kaso ay sinubukan nilang makapaglaro sa NBA D-League sa Estados Unidos.

Alam naman natin ang husay ni Ravena na naging bahagi ng Ateneo Blue Eagles na nagkampeon sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Ilang kampeonato rin naman ang kanyang napanalunan.

Mataas din ang kanyang basketball pedigree dahil anak siya ng dating PBA Rookie of the Year na si Ferdinand Ravena na ngayon ay isa sa mga assistant coaches ng TNT KaTropa.

Nakapaglaro na rin naman siya sa SEA Games na ginanap sa Singapore kaya alam na ng lahat kung ano ang puwedeng ibigay niya sa PH Team.

Si Bobby Ray ay anak naman ng seven-time Best Import ng PBA na si Bobby Parks na matagal nang namayapa.

Naglaro si Bobby Ray sa National University Bulldogs subalit hindi nakatikim ng kampeonato sa UAAP. Sa PBA D-League naman ay naging bahagi siya ng Hapee Toothpaste na nagkampeon tatlong taon na ang nakalilipas.

Si Kobe Paras ay nag-aaral sa Estados Unidos. Ang anak ni dating PBA Most Valuable Player cum Rookie of the Year awardee na si Benjie Paras, ay hindi pa siguro lalahok sa darating na draft. Pero pinabibilib na niya ang mga basketball experts hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa USA dahil sa kanyang husay. At malay natin, siya ang maging unang Pinoy na makaabot sa NBA?

May isa pang second generation PBA player na sasali sa darating na draft at ito ay si Jeron Teng ng La Salle Green Archers. Siya ay anak ni Alvin Teng na napakaraming beses na naging miyembro ng PBA All-Defensive Team. Naging kakampi siya nina Paras at Ravena kasama ni JR Quinahan sa PH Team sa FIBA 3-on-3 event.

Pero nagtataka nga ang karamihan kung bakit hindi siya nakabilang sa PH Team sa SEA Games. Siguro marami na siyang kalaban sa posisyon.

At any rate, kapag pumanhik sa PBA si Teng ay tiyak na pag-aagawan din siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masarap makita ang mga anak ng PBA greats na sumusunod sa yapak ng kanilang mga ama. Hihintayin nga lang natin kung mahihigitan nila ang accomplishments ng kanilang tatay. Kaya ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending