Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4 ang La Union kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:17 ng umaga.
Ang sentro nito ay apat na kilometro sa silangan ng Naguilian. May lalim itong 16 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershock ang Phivolcs sa paggalaw na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending