JAKARTA — Nakamit ng Team Pilipinas ang hindi inaasahang pagwawagi ng apat na gintong medalya sa 18th Asian Games na nagtapos Linggo ng gabi bagaman ang ipinakita nitong mahusay na kampanya ay tila kapos pa rin sa lahat ng mga kailangan para sa sustentidong pagwawagi sa internasyonal na torneo. Ang gintong medalya sa weightlifting, golf […]
KINAILANGAN ng TNT KaTropa ng overtime para talunin ang Columbian Dyip, 118-114, sa kanilang 2018 PBA Governors’ Cup elimination round game Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City. Nagsanib puwersa sina Roger Pogoy, Jayson Castro at Terrence Romeo sa dagdag na limang minuto ng laro para mapigilan ang Dyip at ihatid […]
SINANDALAN ng Pilipinas ang matinding ratsada sa unang yugto para itala ang dominanteng panalo kontra Syria, 109-55, at magtapos sa ikalimang puwesto sa 18th Asian Games men’s basketball classification round Biyernes ng gabi sa Gelora Bung Karno Istora sa Jakarta, Indonesia. Pinamunuan ni Jordan Clarkson ang 7-0 run ng mga Pinoy cagers sa unang yugto […]
JAKARTA – Hinawi ni 2016 Rio Olympian Rogen Ladon ang una sa posibleng tatlong medalya ng Pilipinas Biyernes ng hapon matapos nitong angkinin ang isang silya sa kampeonato ng men’s flyweight (52kg) sa ginaganap na 18th Asian Games boxing competition dito sa Jakarta International Expo dito. Tumuntong sa labanan para sa gintong medalya ang 22-anyos […]
Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 4:30 p.m. TNT vs Phoenix 7 p.m. Barangay Ginebra vs Columbian UUMPISAHAN ni Justin Brownlee at Barangay Ginebra Gin Kings ang pagdepensa ng kanilang korona sa pagharap sa Columbian Dyip sa 2018 PBA Governors’ Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Manggagaling ang Gin Kings at Best Import awardee na […]
PATAPOS na ang 18th Asian Games sa Jakarta at Palembang sa Indonesia kung saan sumabak ang ating mga atleta. At kung matagumpay ba o hindi ang ating paglahok dito ay depende sa pananaw ng tumitingin. Sa nakaraang Asian Games sa Incheon, South Korea noong 2014 ay isang ginto lamang ang naiuwi ng ating delegasyon. Ngayon […]
JAKARTA – Nahablot ni Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe ang unang pilak na medalya ng Pilipinas matapos mabigo sa kalabang Japanese sa gold medal match ng women’s -63 kg judo competition ng 18th Asian Games sa Jakarta Convention Center Plenary Hall 1 Huwebes ng gabi. Nabigong makakuha ng puntos si Watanabe laban kay Nami Nabekura ng […]
NABIGO ang Philippine minimumweight champion na si Pedro Taduran na maagaw ang World Boxing Council belt at pigilan ang wala pang talong “Dwarf Giant” ng Thailand na mairehistro ang ika-51 diretsong panalo. Nagwagi sa pamamagitan ng unanimous decision pagkatapos ng 12 rounds si Chayaphon Moonsri, na kilala rin bilang Dwarf Giant at Wanheng Menayothin, kahapon […]
JAKARTA —Tinambakan ng Team Pilipinas ang Japan, 113-80, sa pagsisimula ng classification round para sa ika-5 hanggang ika-8 puwesto sa men’s basketball tournament ng 18th Asian Games kagabi dito sa Gelora Bung Karno Hall. Bagaman bigo ang Pilipinas na makapasok sa medal round ay nakasisiguro naman ang bansa na mahihigitan nito ang 7th place finish […]
Mga Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum) 4:30 p.m. Columbian vs NLEX 7 p.m. Phoenix vs Alaska PANGUNGUNAHAN ni Calvin Abueva ang Phoenix Fuel Masters sa pagsagupa nito sa dati niyang koponang Alaska Aces sa PBA Governors Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum. Mula nang malipat sa Phoenix si Abueva ay hindi pa natatalo ang Fuel […]
JAKARTA — Pinabagsak ni welterweight Eumir Felix Marcial ang nakatapat nito na si Ng Kuo Kok ng Macau sa ikalawang round Lunes ng gabi sa upang umusad sa susunod na laban at panatilihin ang pag-asa sa gintong medalya sa 18th Asian Games boxing competitions sa Jakarta International Expo Boxing Hall. Dinomina ng 22-anyos mula Lunzuran, […]