Pilipinas nagtapos sa ika-19 puwesto sa 18th Asian Games
JAKARTA — Nakamit ng Team Pilipinas ang hindi inaasahang pagwawagi ng apat na gintong medalya sa 18th Asian Games na nagtapos Linggo ng gabi bagaman ang ipinakita nitong mahusay na kampanya ay tila kapos pa rin sa lahat ng mga kailangan para sa sustentidong pagwawagi sa internasyonal na torneo.
Ang gintong medalya sa weightlifting, golf at skateboarding ay naglagay sa Pilipinas sa ika-No. 19 puwesto sa sumaling 37 sa 45-bansang Asian Games na nakapagwagi ng kahit isang tansong medalya.
Humugot din ang mga Pilipinong atleta ng dalawang pilak at 15 tanso sa multi-sports event na pumabor sa host na bansa na nagawang makatuntong sa unang pagkakataon sa Magic 5 sa nakolekta nitong 31 ginto na ang 14 ay napanalunan sa sport na pencak silat, na isang Indonesian traditional martial art.
Aminado si Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas sa resulta na marami pang dapat gawin.
“I realized that despite the improved performance, there are so many things that we still need to do,” sabi ni Vargas noong Linggo ng umaga, ilang oras bago ang closing ceremony ng Asian Games na isinagawa sa Indonesia sa ikalawang pagkakataon sapul noong 1962.
“By all indications, the Asian Games was a success for Team Philippines — total medal count improved, gold count quadrupled,” sabi ni Vargas. “The ranking went up from 22nd to 19th, although short of the goal of 15th, but still acceptable.”
Agad din napagtanto ni Vargas ang matinding babala na ang Pilipinas ay hindi nakahanda para maging overall champion sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Nobyembre sa susunod na taon.
“To be honest? No!” sabi ni Vargas ilang oras bago ang huling laban ng natitirang boksingero na lalaban para sa posibleng gintong medalya na si flyweight Rogen Ladon. Nabigo rin si Ladon matapos magtamo ng head-butt mula kay Jasurbek Latipov ng Uzbekistan noong Sabado ng hapon.
“To aim for No. 1 is very difficult, but to aim for the top three is possible — it depends on how we manage the events and the sports,” dagdag pa ni Vargas.
Nakuha ng Indonesians ang 14 ginto sa pencak silat na sa pananaw ni Vargas ay malinaw na indikasyon sa bentahe ng isang host country. Tinukoy nito ang malaking tsansa sa gintong medalya sa arnis, na indigenous martial art, pati na sa basketball, taekwondo, boxing, bowling at billiards.
“But if you factor in athletics and swimming, we’re in trouble,” sabi ni Vargas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.