Pinoy boxers may pag-asa pa sa gintong medalya | Bandera

Pinoy boxers may pag-asa pa sa gintong medalya

Angelito Oredo - August 29, 2018 - 12:15 AM

JAKARTA — Pinabagsak ni welterweight Eumir Felix Marcial ang nakatapat nito na si Ng Kuo Kok ng Macau sa ikalawang round Lunes ng gabi sa upang umusad sa susunod na laban at panatilihin ang pag-asa sa gintong medalya sa 18th Asian Games boxing competitions sa Jakarta International Expo Boxing Hall.
Dinomina ng 22-anyos mula Lunzuran, Zamboanga City na si Marcial ang 27-anyos at isang propesyonal na boxer simula noong 2013 na si Kuo bago nito itinala ang Referee Stopped Contest victory sa 2:09 sa ikalawang round.
Ang tinanghal na 2018 Korokotkov Memorial Boxing Tournament, Russia at 2017 Southeast Asian Games gold medalist ay makakasama sina light flyweight Carlo Paalam at Olympian flyweight Rogen Ladon na nagwagi din sa una nilang laban para manatiling buhay ang tsansang magka-medalya sa boxing.
Una nang napatalsik ang iba pang miyembro ng pambansang koponan na sina Irish Magno, James Palicte, Joel Bacho, Neshty Petecio at Mario Fernandez sa kanilang mga unang laban.
Ang impresibong panalo ni Marcial ay nagsilbing pambawi sa masaklap na kabiguan ni Fernandez na natalo ng knockout sa huling sandali ng ikatlong yugto kontra kay Iraqi Jaafar Abdulridha Al Sudani Sabado ng gabi.
Nagwagi naman si Paalam matapos paglaruan si Tu Powei ng Chinese Taipei, 5-0, upang makapasok sa quarterfinals. Nakakuha ng bye si Paalam sa opening round kaya malakas at preparado sa laban sa Taiwanese. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending