Robredo-Trillanes, Lacson-Sotto, Sara-BBM, ito ang mga tambalang pinag-uusapan na maaaring tumakbo sa 2022 presidential at vice-presidential (national) election. Matunog din ang pangalan nila Manny Pacquiao, Richard Gordon, Bong Go, Isko Moreno at Vilma Santos-Recto. Samantala, si Pangulong Duterte ay kasalukuyang nag-iisip pa o naghihintay pa ng “message from God” o “divine intervention” kung ito ay […]
Hindi katanggap-tanggap. Mahirap ibenta sa tao dahil kontra sa political morality at labag sa rason at pangangatuwiran. Salungat sa political strategy at geographical balance. Sa madaling salita, hindi winnable. Ito ang ating pananaw sa umugong na balita at usap-usapan na tambalang Sara Duterte-Carpio at Pangulong Rodrigo Duterte bilang pangulo at vice-president sa 2022 national election. […]
Naglabas ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ng isang resolution kung saan hinihimok si Pangulong Duterte na tumakbo bilang vice-president sa May 2022 at mamili ng kanyang running mate sa pagkapangulo. Ang nasabing resolution ay pinagtibay ng National Council ng partido noong Lunes maski ang legalidad ng pagpupulong ng partido ay kinikuwestiyon mismo ng […]
Ako ay kritiko ng Pangulong Duterte sa kanyang solid pro-China stance at appeasement policy tungkol sa West Philippine Sea. Ako ay kritiko ng Pangulong Duterte at kontra sa kanyang pro-China foreign policy na ipinaiiral ng kanyang pamahalaan. At lalong-lalo na, ako ay kritiko ng Pangulong Duterte at hayagang tinuligsa at tinutuligsa ang kanyang pagkiling at […]
Iboboto mo ba ang isang pro-China candidate sa pagkapangulo sa May 2022 presidential election? Ito ang tanong sa atin ng isang kakilala sa kainitan ng tensyon at isyu na nagaganap sa West Philippine Sea (WPS) at habang binabatikos ang katapatan ng Pangulong Duterte sa usaping ito. Hindi maitatanggi na ang Pangulo ay isang pro-China, sa […]
“You are really stupid.” Ito ang sagot at tahasang pinahayag ng Pangulong Duterte sa mga naniwala at nag-uudyok na tuparin ang kanyang binitawang salita at pangako, na mag-jet ski sa Spratly Islands at itanim ang bandila ng Filipinas. Walang pakundangan pa nitong sinabi na ito ay bravado at isang biro lamang. Isang “pure campaign joke” […]
Hindi maitatanggi na ang nagsulputang mga community pantries sa ibat-ibang lugar ay dala ng pagkabigo ng gobyerno na gampanan ang tungkulin nito sa panahon ng krisis dulot ng COVID -19. Bigo ang gobyerno na tulungan ang ating mga mahihirap na kababayan na maglatag ng pagkain sa kanilang mesa. Marami ang nawalan ng hanap buhay dahil […]
“Kapag sinabi (ng UN arbitral tribunal) na panalo tayo at ayaw ng China. I will not go to war. Pupunta ako sa China. Ngayon pag ayaw nila. I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary, dyan sa Spratly, sa Scarborough…Bababa ako at sasakay ako ng jet ski, dala dala ko ang […]
Pinalawig ang ECQ Season 2 sa buong Metro Manila pati na sa Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan provinces hanggang sa April 11. Ito ang tugon ng ating gobyerno upang mapigilan ang patuloy at mabilis na pagdami ng may sakit na COVID-19. Matatandaan na nilagay ulit sa ECQ ang mga nasabing lugar noong March 29 ng […]
ECQ na naman! Akala ko ba excellent tayo. Nilagay sa Enhanced Community Quarantine o ECQ Season 2, ang buong Metro Manila kasama ang Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan provinces mula March 29 hanggang April 4 matapos sumipa ang bilang ng COVID-19 infected person o magkaroon ng “sudden surge.” Inaasahan na palalawigin pa ang ECQ sa […]