Featured Stories Archives | Page 1919 of 2809 | Bandera

Featured Stories

Willie Revillame may bagong dyowa kaya bumabata

Ipinakita na ni Willie Revillame sa publiko ang bago niyang hotel sa Tagaytay. Ang bago niyang establishment ang pinagkaabalahan ng TV host noong panahong wala siyang programa sa telebisyon. Proud na ipinakita ni Willie ang pictures ng bago niyang hotel sa YES magazine sa kanyang programa sa GMA na Wowowin sa nakaraang taping niya last […]

Ate Vi kinausap na si Angel sa pagpapakasal nila ni Luis

HINDI naman basta-basta magiging award-winning host ang “ampon” naming si Luis Manzano kung hindi nito talaga mahal ang kanyang trabaho. Siya lang ang may kakaibang humor at wit sa hilera ng mga batang hosts ngayon. Saan mo man siya mapanood, game show man iyan o variety show o reality search, nag-iisa ang tatak niyang “kabaliwang” […]

8 patay; P300M pinsala ng habagat sa Region 1 – OCD

Umabot na sa walo katao ang nasawi habang mahigit P300 milyon halaga ng pinsala ang naitala dahil sa mga insidenteng dulot ng habagat sa Ilocos region, ayon sa mga awtoridad kahapon. Marami ang nasawi dahil sa pagkalunod sa baha at mga umapaw na ilog, habang may isang nasawi sa landslide at atake sa puso, sabi […]

Pangakong pondo para sa Yolanda victims hindi pa natutupad

Iniangal kahapon ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang mabagal umanong pagpapatupad ng rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013. Ayon kay Romualdez sa P167.9 bilyong pondo sa ilalim ng Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan tanging P47 bilyon pa lamang ang dumarating. “It just highlights the fact that there were lots […]

2,500 kawal hinanda para sa SONA

Aabot sa 2,500 sundalo ang hinanda para tumulong sa pulisya sa pagpapatupad ng seguridad sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino, ayon sa militar. Naghanda ng isang batalyon, oo nasa 500 kawal, ang Camp Aguinaldo, Army, Air Force at Navy habang may naka-alerto ring isang batalyon sa Rizal, sabi ni […]

Jinggoy pinayagang dumalaw sa biyenan

Pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division si Sen. Jinggoy Estrada na makadalaw sa kanyang biyenan na nasa ospital ngayon. Ayon sa dalawang pahinang desisyon ng korte, si Estrada ay maaaring lumabas ng kanyang selda sa PNP Custodial Center sa Camp Crame alas-9 ng umaga. Maaari manatili sa Intensive Care Unit ng St. Luke’s Medical Center si […]

2 ex-solon kakasuhan kaugnay ng pork barrel fund scam

May sapat na batayang nakita ang Office of the Ombudsman upang sampahan ng kaso ang dalawang dating kongresista kaugnay ng pork barrel fund scam. Inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng kasong graft at malversation laban kina dating Malabon-Navotas Rep. Alvin Sandoval at dating Bukidnon Rep. Candido Pancrudo. Kasama nila sa kaso ang […]

Luis Manzano hindi pa tiyak na tatakbo sa 2016 elections

INAMIN ni Luis Manzano na wala pa siyang konkretong plano kung papasok na siya sa politika at tatakbong mayor ng Lipa City sa darating na halalan. Sa kanyang tweet ni Manzano sa Bandera, hindi pa niya tiyak kung sasabak nga siya politika. “Still uncertain,” ang simpleng sagot ni Manzano sa Bandera sa kanyang twitter handle […]

Kaso vs Purisima, Napenas umusad na

Sasailalim na sa administrative adjudication at preliminary investigation sina dating Philippine National Police chief Alan Purisima at dating Special Action Force director Getulio Napeñas kaugnay ng pagkamatay ng 44 pulis sa Mamasapano, Maguindanao. Inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang rekomendasyon ng special panel ng field investigator na nagsagawa ng imbestigasyon. Nahaharap sa grave misconduct, […]

Chris Brown hindi pinayagang makaalis ng Pinas

HINARANG ngayong Miyerkules ang singer na si Chris Brown habang papaalis sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) matapos ang concert sa Mall of Asia Arena noong Martes. Pinigil si Brown habang papasakay ng isang chartered jet ganap na alas-1 ng hapon matapos ang ipinalabas na lookout order ng Department of Justice (DOJ). Sinampahan si Brown […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending