Ate Vi kinausap na si Angel sa pagpapakasal nila ni Luis

By Ambet Nabus July 23,2015
share this

Ate Vi kinausap na si Angel sa pagpapakasal nila ni Luis

By Ambet Nabus July 23,2015
share this

vilma santos

HINDI naman basta-basta magiging award-winning host ang “ampon” naming si Luis Manzano kung hindi nito talaga mahal ang kanyang trabaho.

Siya lang ang may kakaibang humor at wit sa hilera ng mga batang hosts ngayon. Saan mo man siya mapanood, game show man iyan o variety show o reality search, nag-iisa ang tatak niyang “kabaliwang” Luis Manzano! Ha-hahaha!

Noong Linggo sa ASAP, aba’y tunay namang namanhid ang mga panga namin sa katatawa sa duet nila ni Eva Eugenio ng “Tukso”.

As usual, ito yung klase ng mga non-singers na mamahalin mo dahil alam mong “fun” lang talaga ang intensyon at hindi para gawing karir ang kumanta!

No wonder, ang bawat makausap naming nanay o tatay o kapamilya ng mga nag-o-audition sa The Voice Kids (ang tunay na number one show ng ABS-CBN) ay hangang-hanga kay Luis dahil napakagaling daw nitong host at sobra nilang nararamdaman ang pagiging komportable at pagkakaroon ng moment sa show kahit sandali lang.

Big fan kami ng The Voice kahit may mga moment na awkward sa amin ang pagtatanong ng mga celebrity coach na umiikot sa isang hopeful (halata naman kasing may alam na sila sa background ng sumasali kaya’t ready ang mga tanong nila, pati na rin ang paminsan-minsang pagpapakyut nila sa mga contestants na nagpapasayaw, nagpapa-baton-twirling, nagbibigay ng banana cue, etcetera).

Basta ang masasabi lang namin, napakasaya ng show dahil kay Luis. And with all due respect sa iba pang kasamahan niya sa show, (Robi Domingo, Yeng Constantino), si Luis talaga ang pinakamaga- ling, pati na rin sa mga nagmamaga- ling lang! Ha-hahaha!

Speaking of Luis, mukhang mas nagiging komportable na rin ang TV host-comedian (gaya ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli) na i-brodcast sa buong mundo ang estado ng rela- syon nila ni Angel Locsin.

Talagang may mga moment din na nababanggit niya ang name ni Angel para ibandera ang kanyang paghanga at pagmamahal sa aktres.

Ayon sa aming nasagap na chika, kaswal na rin daw na napag-uusapan ngayon nina dear-idol-friend Gov. Vilma Santos at Angel ang usapin ng pagpapakasal nila ni Luiz, at pagbuo ng sarili nilang pamilya very soon.

Nag-resume na rin ang shooting ng movie nina Ate Vi at Angel, at balitang in between takes nga ay madalas na magkantiyawan at magbiruan ang future mag-mother-in-law.

Teka lang, hindi na ipinababanggit ng aming kausap kung ano ang bonggang pasalubong ni Ate Vi kay Angel mula sa kanilang Italy trip kamakailan.

Basta ang sinabi ng source namin, “Something na pareho nilang paborito ni Luis at magagamit in the future.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending