Aabot sa 2,500 sundalo ang hinanda para tumulong sa pulisya sa pagpapatupad ng seguridad sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino, ayon sa militar.
Naghanda ng isang batalyon, oo nasa 500 kawal, ang Camp Aguinaldo, Army, Air Force at Navy habang may naka-alerto ring isang batalyon sa Rizal, sabi ni AFP public affairs chief Lt. Col. Noel Detoyato.
Kabilang sa mga ihinandang kawal ang mga miyembro ng K9 units, Explosives and Ordnance Disposal Team, at Medical Corps.
Mananatili ang mga kawal sa kani-kanilang kampo araw ng SONA, pero nakahandang ipakalat kung hihingi ng tulong ang pulisya, sabi ni Detoyato sa mga reporter.
“We do not want to assume anything violent, we are just preparing our troops para pag tinawag naka-alert na kaagad,” aniya.
Ayon kay Detoyato, sa kabila ng paghahanda ay walang natatanggap ang AFP na impormasyon tungkol sa anumang banta na maaaring isabay sa SONA sa Lunes.
“There are some indications of rallies, we are just hoping that they will be peaceful… It is their freedom to express their right but we just hope and appeal that that freedom will not infringe on the freedom of others,” aniya.
Sinabi naman ni Col. Vic Tomas, deputy commander ng AFP Joint Task Force NCR, na maaaring magtaas ang kanyang unit ng “heightened alert” bago ang SONA dahil sa mga inaasahang kilos-protesta.
“Everybody is going to be vigilant,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.