‘Multisaurs’ perfect dinosaur experience para sa pamilya, aarangkada sa 2025
BAGO at kakaibang experience ba ang hanap ninyo para sa taong 2025?
Nako, tamang-tama dahil may bagong gimik na tiyak ay magbibigay ng kakaibang cinematic experience.
Aarangkada sa Ayala Malls Cinemas ang “Multisaurs,” isang fully immersive, multi-sensory adventure, simula sa January 17 hanggang April 16 next year.
Perfect na perfect ito sa buong pamilya, lalo na sa mga dinosaur lovers diyan na mga bagets!
Asahan ang prehistoric experience na para kang nakasakay sa time machine papunta sa panahon ng mga dinosaur…habang komportable kang nakaupo sa sinehan!
Baka Bet Mo: KCC binuhay ang ancient Korean paintings, pasabog ang digital art exhibit
Ano ba ang kaibahan nito sa mga napapanood natin sa big screen?
Sa “Multisaurs,” hindi lang basta manonood ang audience dahil ikaw mismo ang magiging bida sa adventure.
Gamit ang lighted bracelets, maaaring mag-interact sa kwento at gawing mas exciting ang bawat eksena.
Perfect ito para sa mga chikiting at certified dinosaur enthusiasts na gustong matuto at makipag-bonding sa ibang kids habang nilulutas ang iba’t ibang challenges.
Matapos ang tagumpay nito sa Europe at Asia, darating naman sa Pilipinas ang “Multisaurs” para pasayahin ang mga Pinoy.
Sa loob ng 70 minutes, dadalhin kayo ng show sa isang unforgettable na dino-venture!
Ang presyo ng tickets? P990 sa Metro Manila at P750 sa probinsya.
Pero para sa mga school field trips at group bookings, may special discounts: P840 sa NCR at P635 sa probinsya.
Para sa updates, bisitahin ang Ayala Malls Cinemas Facebook at Instagram pages.
Book your tickets na sa www.sureseats.com o sa inyong paboritong participating cinema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.