KCC binuhay ang ancient Korean paintings, pasabog ang digital art exhibit
BONGGA ang bagong gimik ng Korean Cultural Center (KCC) ngayong ipinagdiriwang ang ika-75 years of Friendship sa pagitan ng Korea at Pilipinas.
Naglunsad kasi sila ng kakaibang art exhibit na talaga namang mapapa-wow ang mga makakakita.
Ito ang immersive video works na prinoduce ng National Museum of Korea na dinala rito sa ating bansa.
Tinawag nila itong “Endless Landscape: Digitally Reimagined Korean Art.”
Kung nabalitaan niyo ang “Van Gogh Alive” at ang “Wisdom of Da Vinci” sa BGC, halos same lang ito sa ginawa ng KCC.
Baka Bet Mo: Heart may bagong hugot na idinaan sa lumang painting, sey ng fans: Ramdam namin ang sakit…
Ang kaibahan lang, mga mula pa sa ancient paintings from Joseon Dynasty na way back 1392 hanggang 1897 ang mga tampok sa exhibit.
Isa ang BANDERA sa mga naimbitahan sa opening nito at talaga namang aliw na aliw kami sa aming mga nakita.
Super amazed ang aming team dahil talagang binigyang-buhay nila ang makukulay na ancient paintings na naging parte rin ng Korean culture.
Apat na traditional paintings ang inihanda ng KCC para sa immersive videos.
Una na riyan ang “Endless Mountains and Rivers: A Prosperous World Unfolds in Nature” na masterpiece ni Yi Inmun, isang royal court painter ng Joseon Dynasty.
Ang kanyang obra ay may haba na 8.5 meters na inilarawan kung gaano kapayapa ang pamumuhay ng mga tao noon sa South Korea.
Nariyan din ang “Royal Procession with the People” na opisyal na nakarehistro bilang UNESCO Memory of the World.
Base ito sa tinatawag na “Uigwe,” isang unique record of Korea’s heritage kung saan nakadokumento ang mahigit 500 years ng mga isinagawang royal ceremonies sa ilalim ng Joseon Dynasty.
Nakasentro sa obra ang dalawang major events –ang 1795 precession ng ika-22nd King ng nasabing dynasty na si King Jeongjo noong 1776 hanggang 1800, at ang mga kaganapan sa mga pagtitipon two centuries ago.
Isa rin sa featured works ang “Pillars of Divinity, Chongseok Rocks” isang 8.8 meter long painting na ipinagawa ni Emperor Sunjong ng Korean Empire (1897-1910) para magsilbing dekorasyon sa kanyang opisina sa Changdeokgung Palace.
Ang itinampok sa painting ay ang scenic view na matatagpuan sa Gangwondo Province, isang renowned scenic attraction sa area ng Geumgangsan Mountain.
At ang panghuli sa immersive art ay ang “Peonies in Bloom,” mga bulaklak na namumulaklak lang tuwing tagsibol.
Ang simbolo ng Peonies para sa Korea ay “wealth” at “prosperity.”
Ginagamit ang mga nasabing bulaklak bilang palamuti sa royal ceremonies kaya tinatawag din itong “king of flowers.”
Baka Bet Mo: Manny Pacquiao may ‘exhibition match’ sa 2024, kakalabanin ang Muay Thai icon na si Buakaw Banchamek
Ayon sa Director General ng National Museum of Korea na si Mr. Yoon Sung Yong, ang paglunsad ng immersive video works ay para i-promote at makilala ng Pinoy ang kultura ng kanilang bansa.
“The National Museum of Korea is promoting a variety of programs to support overseas Korean galleries and exhibitions to enhance global understanding of Korean culture. I hope that this exhibition focusing on digital content, which goes beyond conventional artifact-centered exhibitions, will serve as a unique opportunity to introduce Korean culture to the Filipino public,” saad niya.
Wika naman ng Ambassador of the Republic of Korea to the Philippines na si H.E. Lee Sang-hwa, “As the first event to celebrate 75 years of friendship between Korea and the Philippines, this exhibition provides a great opportunity for meaningful cultural exchanges between our two countries.”
“I hope that it will showcase Korea’s rich tradition and substantiate its position as a digital powerhouse that can further strengthen our bilateral partnership,” ani pa niya.
Bukod sa digital art, nasaksihan din ng BANDERA ang patikim ng South Korean music performers na sina Ju Bora at Kim Insoo na ipinakita ang kanilang husay sa pagtugtog ng kanilang traditional instruments.
Kung gusto niyo rin ma-experience na makanood ng live performances nila, magkakaroon ng libreng mini house concert ang KCC sa February 9, March 15, April 19, May 17, at June 14.
Libre lang ding masisilayan ang digital art exhibit na matatagpuan sa 5th floor Multipurpose Hall ng Korean Cultural Center in the Philippines sa Taguig hanggang June 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.