Heart may bagong hugot na idinaan sa lumang painting, sey ng fans: Ramdam namin ang sakit... | Bandera

Heart may bagong hugot na idinaan sa lumang painting, sey ng fans: Ramdam namin ang sakit…

Ervin Santiago |September 12,2022
facebook
share this

Heart may bagong hugot na idinaan sa lumang painting, sey ng fans: Ramdam namin ang sakit…

Ervin Santiago - September 12, 2022 - 01:49 PM

Heart Evangelista at Chiz Escudero at ang kontrobersyal na painting ng Kapuso actress

HOT topic na naman ng mga Marites sa social media ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista dahil sa isa niyang Facebook post kahapon.

Iba’t iba ang reaksyon ng mga netizens at fans ni Heart sa  ibinahagi niyang litrato ng isa niyang lumang painting sa social media.

Makikita sa nasabing painting ang  portrait ng isang tila malungkot na babae na may multi-colored abstract hair.

Base sa pirma ni Heart sa viral artwork, natapos niya ito noong 2013 at may caption na, “Goodbyes 2013.”

Maraming netizens ang nagsabing may konek ang FB post ni Heart sa napapabalitang paghihiwalay nila umano ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero.

Taong 2013 nang ihayag ng mga magulang ni Heart na hindi sila boto sa pakikipagrelasyon ng aktres kay Chiz sa pamamagitan ng isang presscon.

Nagsimula ang relasyon ng celebrity couple noong 2012 at nag-propose naman si Chiz kay Heart taong 2014. Nagpakasal sila pagsapit ng February, 2015.

Sa comment section ng post ni Heart sa FB, iba-iba ang reaksyon ng kanyang followers, narito ang ilan sa mga nabasa namin.

“It’s not a failure to have a failed relationships. Failure is when you don’t freed yourself in a very toxic and unhealthy relationship. Life is so beautiful, look beyond in it. When you fail in something, look at the other side of the coin maybe God has alloted something more beautiful than in what you are in to and UpTo now. Look up. HE is always there to Love you no matter what.”

“I’m guessing and I hope I am right, she bids goodbye for 2013 and that was 7 years ago to date, they get married Feb 15, 2015! it means Heart and Chiz are no longer together!”

“Cheer up po ano man yan miss Heart.”

“Fight lang ms heart. Sana bigyan mo ng baby sa sosonod mong maging asawa .sayang beauty mo I’m sure maganda anak mo.”

“Bakit parang ramdam ko yung sakit sa painting mo na yan heart…. ”

“Bakit parang ramdam ko yung sakit sa painting mo na yan heart.”

“Kunwari ka.pa jan heart e masaya kana kahit Europe ka nalang lagi wala kanang asawang naghihitay sau sa pinas.”

“Bakit goodbye? Nai benta na ba yan miss heart?? Swerte nman nung nka bili..ganda ng art.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If its not meant to be its not. Maybe kaya cguro kayo hindi magkaanak kasi hindi kayo para sa isat isa ma swerte ka na kasi bnigyan kpa ng chance ni Lord makilala kung sino mas karapat dapat sayo baka dun biyayaan kana. Some day mauunawaan mo kung bakit nangyari mga struggles m ngayon. Masasabi mo KAYA PLA.”

Heart ibinandera ang painting ng ‘babaeng may luha’, may pinaghuhugutan nga ba?

Angelica sa mga babaeng iniwan: Mahalin ang sarili at dapat alam n’yo ang mga karapatan n’yo

Maxene na-shock; may nadiskubreng koneksyon sa amang si Francis at asawang si Rob

Heart pwedeng kumita ng P150-M sa isang painting; Bea maraming aaminin tungkol kay Dominic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending