‘Aquaman’ movie aarangkada na ulit sa takilya matapos ang MMFF 2023
MAGBABALIK sa Philippine cinemas ang tinaguriang “King of Atlantis” at Hollywood star na si Jason Momoa!
Mapapanood na kasi ulit simula January 8 ang bagong pelikula ng DC Extended Universe (DCEU)– ang “Aquaman and the Lost Kingdom,” sa mga lokal na sinehan nationwide.
Ito ay matapos ang two-week break dahil sa naganap na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Asahan sa bagong DC movie ang action-packed na mga eksena!
Matinding kalaban ang haharapin ni Aquaman this time at siya ay si “Black Manta” na ginagampanan ng American actor na si Yahya Abdul-Mateen II.
Baka Bet Mo: ‘Mallari’ ni Piolo Pascual lumebel sa ‘Aquaman’, ‘Wonka’
Nais niyang patayin si Aquaman, pati na rin ang buong pamilya nito upang mapaghiganti ang yumao niyang ama.
Nakuha pa nga niya ang tinatawag na “mythic black trident” na may itim na kapangyarihan na kayang magpakawala ng “malevolent force.”
At dahil hindi ito kayang talunin nang mag-isa ng DC superhero ay kailangan niyang palayain ang kapatid na si Orm na ginagampanan naman ni Patrick Wilson.
Kung maaalala sa naunang installment ng pelikula na “The King of the Seven Seas,” nakalaban ni Aquaman si Orm kung saan tinalo niya ito para maging bagong hari ng Atlantis.
Bukod sa mga nabanggit, si Amber Heard pa rin ang papapel bilang reyna ng Atlantis.
Si Nicole Kidman naman bilang Atlanna, ang fierce leader at ina ni Aquaman.
Magbabalik din si Dolph Lundgren bilang King Nereus at si Randall Park as Dr. Stephen Shin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.