‘Aquaman’ showing pa rin kasabay ng MMFF 2023

‘Aquaman’ makikipagsabayan sa MMFF 2023, showing sa mga piling sinehan

Pauline del Rosario - December 23, 2023 - 03:20 PM

‘Aquaman’ makikipagsabayan sa MMFF 2023, showing sa mga piling sinehan

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

PALABAS na sa mga sinehan ang bagong pelikula ng DC Extended Universe (DCEU)– ang “Aquaman and the Lost Kingdom.”

Bida pa rin diyan ang Hollywood actor na si Jason Momoa.

Napanood na namin ang pelikula at talaga namang puno ito ng mga maaaksyong eksena!

Matinding kalaban ang haharapin ni Aquaman this time at siya ay si “Black Manta” na ginagampanan ng American actor na si Yahya Abdul-Mateen II.

Nais niyang patayin si Aquaman, pati na rin ang buong pamilya nito upang mapaghiganti ang namatay niyang ama.

Baka Bet Mo: ‘Mallari’ ni Piolo Pascual lumebel sa ‘Aquaman’, ‘Wonka’

Nakuha pa nga niya ang tinatawag na “mythic black trident” na may itim na kapangyarihan na kayang magpakawala ng “malevolent force.”

At dahil hindi ito kayang talunin nang mag-isa ng DC superhero ay kailangan niyang palayain ang kapatid na si Orm na ginagampanan naman ni Patrick Wilson.

Kung maaalala sa naunang installment ng pelikula na “The King of the Seven Seas,” nakalaban ni Aquaman si Orm kung saan tinalo niya ito para maging bagong hari ng Atlantis.

Bukod sa mga nabanggit, si Amber Heard pa rin ang papapel bilang reyna ng Atlantis.

Si Nicole Kidman naman bilang Atlanna, ang fierce leader at ina ni Aquaman.

Magbabalik din si Dolph Lundgren bilang King Nereus at si Randall Park as Dr. Stephen Shin.

Samantala, alam naman natin na pagdating ng December 25 hanggang January 7 ay puro entry ng Metro Manila Film Festival ang ipapalabas sa mga sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag kayong mag-alala dahil pwede pa ring mapanood ang bagong pelikula ng Aquaman sa mga petsa na nabanggit.

Bilang holiday treat ng Warner Bros. Pictures sa mga moviegoers, patuloy na mapapanood sa big screen ang “Aquaman and the Lost Kingdom” sa IMAX theaters nationwide, sa 4DX at Uptown Tempur Cinema sa Uptown Mall sa Taguig City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending