‘City Hunter The Movie: Angel Dust’ aarangkada na sa mga sinehan

‘City Hunter The Movie: Angel Dust’ aarangkada na sa mga sinehan sa Nov. 8

Pauline del Rosario - November 03, 2023 - 04:03 PM

‘City Hunter The Movie: Angel Dust’ aarangkada na sa mga sinehan sa Nov. 8

PHOTO: Courtesy Encore Films

SAKSIHAN ang huling kabanata ng kaabang-abang na hyper-action anime film na pinamagatang “City Hunter The Movie: Angel Dust.”

Mapapanood na ‘yan sa darating na November 8 sa mga lokal na sinehan.

Bibida sa pelikula ang karakter ni Ryo Saeba, isang mahusay na gunman at pinakahinahangaang “sweeper” kontra krimen sa lungsod ng Tokyo.

Ang nasabing pelikula ay batay sa pinakabagong manga finale na tungkol sa madilim na nakaraan ni Ryo.

Iikot din ang kwento nito sa pakikipaglaban ng bida sa bagong lahi ng mga kaaway na kung tawagin ay super soldiers na tinurukan ng nanomachine na “Angel Dust.” 

Baka Bet Mo: ‘The Exorcist: Believer’ matinding katatakutan ang handog sa mga sinehan

‘City Hunter The Movie: Angel Dust’ aarangkada na sa mga sinehan sa Nov. 8

PHOTO: Courtesy Encore Films

Makakasama ni Ryo si Kaori Makimura, ang nakababatang kapatid ng yumaong bestfriend at partner ng bida na si Hideyuki.

Alam niyo ba na nag-numero uno sa box-office ng Japan ang “City Hunter The Movie: Angel Dust” kung saan umani ito ng $6 million o mahigit P336 million sa opening day nito.

Ang anime film ay from Encore Films distributed by Warner Bros.

Related Chika:

‘Voltes V: Legacy’ hindi tinipid ng GMA 7, pang-Hollywood ang effects, Miguel Tanfelix naiyak: ‘Three years naming pinaghirapan ‘to!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Shooting ng ‘Voltes V: Legacy’ sisimulan na; Direk Mark ipinasilip ang set ng Camp Big Falcon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending