'Voltes V: Legacy' hindi tinipid ng GMA 7, pang-Hollywood ang effects, Miguel Tanfelix naiyak: 'Three years naming pinaghirapan 'to!' | Bandera

‘Voltes V: Legacy’ hindi tinipid ng GMA 7, pang-Hollywood ang effects, Miguel Tanfelix naiyak: ‘Three years naming pinaghirapan ‘to!’

Ervin Santiago - April 19, 2023 - 11:12 AM

'Voltes V: Legacy' hindi tinipid ng GMA 7, pang-Hollywood ang effects, Miguel Tanfelix naiyak: 'Three years naming pinaghirapan 'to!'

Rafael Landicho, Radson Flores, Miguel Tanfelix, Matt Lozano at Ysabel Ortega

KINILABUTAN at medyo naiyak talaga kami nang mapanood ang ilang pasabog na eksena sa live action version ng hit Japanese anime series na “Voltes V: Legacy“.

Ginanap kagabi ang grand mediacon at special screening ng “Voltes V: Legacy” sa SM The Block Cinema na dinaluhan ng halos lahat ng cast members, kabilang na ang direktor nitong si Mark Reyes at head writer na si Suzette Doctolero.

Grabe! As in grabe! Talagang mapapa-wow at mapapanganga ka na lang sa ganda ng pagkakagawa ng GMA 7 sa kauna-unahang live action version ng “Voltes V”.

Kitang-kita na ginastusan at pinaganda ito nang bonggang-bongga mula sa costume na nagkakahalaga ng mahigit P300,000 ang isa, sa production design, sa set, hanggang sa ginamit na CGI. As in pang-world class na talaga ang quality.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa naganap na presscon kahapon bago ipalabas ang movie version ng “Voltes V: Legacy”, isa-isang nagsalita ang mga bidang sina Miguel Tanfelix na gaganap bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega as Jamie Robinson, Matt Lozano bilang Robert o Big Bert, Radson Flores as Mark Gordon, at ang child actor na si Rafael Landicho bilang si Little Jon.

Ayon sa limang bida ng serye, excited na sila sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang serye makalipas ang tatlong taon at lahat sila ay naging emosyonal na after three years ay ipalalabas na ang kanilang serye.

Sabi ni Miguel, “Honestly nakakaiyak po. Kasi three years naming pinaghirapan itong show na ito so very emotional.”

Baka Bet Mo: ‘Voltes V: Legacy’ team, sasabak na sa lock-in taping; Aicelle maraming nadiskubre bilang mommy

Paglalarawan pa niya sa mga kasamahan niya sa serye, “We got to all know each other better. We’ve become more than friends, we’re more like a family no. We shot our show in various location. We practically went around Luzon.

“We shot in Batangas, in La Union and the most enjoyable was Subic, where we stayed for a week in a beautiful villa. Radson, Matt and I shared the same room. We all eat together and when there’s no work, we go swimming in the pool. Ang saya lang!” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Paglalarawan pa niya sa serye, “Even the way the narrative was written made it all more real. Yung characters namin dito, naging mga totoong tao compared dun sa anime version.

“Nagkaroon ng more depth ang bawat character, with layered personalities to humanize them more. I think those who’ve seen the show before will realize this and appreciate it,” sey ng binata.

Sey naman ni Ysabel, “Para kaming naging magkakapatid while working on the set. Nagtutulungan kami in our scenes together, lalo na yung iconic scenes like yung butterfly return technique na abangan nyo kasi maganda talaga.

“We spent a lot of time practicing it repeatedly so we can perfect it for the camera. I really treasure our moments together, pati yung mga blooper namin on cam. Tawanan kami nang tawanan when we recall the mistakes we’ve made. We really had fun,” sabi ng dalaga.

Dugtong pa niya, “And we’re happy that GMA-7 is giving it a theatrical release. Kasi talagang pang big-screen ang computer generated effects at ang big action set pieces na mapapanood nyo rito. Lahat nga kami, very excited nang mapanood na siya sa sinehan, sa big screen, kasi we all know we have come up with a truly good show.”

Todo naman ang pasalamat ni Radson sa kanilang direktor, “We all want to thank our director, Mark Reyes, for orchestrating the whole thing. I feel so lucky to be part of this show that will surely help boost my career.

“Napakagaling ni Direk Mark in his storytelling. I love our the way our characters are introduced in one important scenes na nakatayo kaming lahat, side by side, and it gets to show the different personalities ng lahat ng characters. It was so beautifully done,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


Sey naman ni Matt, dati ay super conscious siya sa kanyang katawan pero dahil sa “Voltes V” kung saan gumaganap nga siya bilang si Big Bert ay mas nagkaroon siya ng confidence.

“I had so much fun playing my role and working with the entire cast. When you watch ‘Voltes V’, makikita nyong maganda talaga ang naging bonding naming lahat.

“Lumalabas yun in our scenes together, we’re like siblings. I enjoyed everyone’s company and I really miss them all kapag wala kaming shoot,” aniya pa.

Dream come true naman para sa child star na si Raphael Landicho ang mapasama sa serye, “Marami po akong unforgettable scenes na ginawa rito. Isa na rito yung eksena ko with a dolphin.

“Kasi ipinakita po akong nakasakay sa likod niya. Noong una, I was quite scared as it’s my first time to encounter a dolphin.

“But it turned out napaka-friendly nung dolphin. Nakikipaglaro siya, pinakain ko siya, then nahahawakan ko na. We did our scene together beautifully. Makikita nyo po yun dito sa ‘Voltes V Legacy,'” aniya pa.

Samantala, umaasa naman si Direk Mark na magugustuhan ng mga loyal fans ng “Voltes V” ang ginawa nilang local adaptation ng Japanese classic anime dahil talagang pinaganda at pinabongga nila ito.

“Viewers will surely be treated to a great, highly entertaining show. It’s like you are treated to an epic ride that is full of action and fantastic adventure.

“We make sure we were faithful to the original story but we also bring in some new elements to make sure it will more acceptable for today’s young audiences who will see it for the first time.

“A live action presentation will give the show a different texture. We want to thank GMA management for supporting us all the way. Hindi talaga tinipid ang budget to make sure this will be spectacular on screen,” sabi pa ng Kapuso TV and movie director.

Shooting ng ‘Voltes V: Legacy’ sisimulan na; Direk Mark ipinasilip ang set ng Camp Big Falcon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suzette Doctolero sa nang-okray sa ‘Voltes V’: Kung yung panget na bashers nga luma-love story, ang mga kabataang guwapo’t magaganda pa kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending