‘Lechon dinosaur’ na handa ng isang pamilya nitong Bagong Taon ‘pinulutan’ ng netizens: Nagmula pa sa Jurassic Park!
VIRAL na ngayon ang nakakaloka at nakakatakot na handa ng isang netizen noong nakaraang Bagong Taon na talaga namang pinagpiyestahan sa social media.
Tawa rin kami nang tawa nang makita namin sa Facebook ang ibinahaging litrato ng isang nagngangalang John Elbert Flores Hizon na kuha sa Media Noche ng kanyang “nakaluwag-luwag” na pinsan.
Ito nga yung “giant lechon dinosaur” na ininahin ng FB user na si Apple Flores na makikita rin sa Facebook page na “Homepaslupa Buddies 3.0.”
“Flex ko lang yung pinsan ko si Apple Flores na nakakaluwag-luwag na at Dinosaur ang handa nung bagong taon,” ang caption na nakalagay sa litrato ng dambuhalang lechon.
Kahit na hindi talaga dinosaur ang nasabing lechon kundi isang baka ay nakisakay na rin ang mga netizens sa trip ng mga nag-upload ng viral na ngayong litrato.
Narito ang ilang komento na nabasa namin sa FB.
“Godzilla yata ‘yan eh!”
“Mula pa sa Jurassic Park hahahaha ”
“Nakakarimarim kainin hahahaha.”
“Nakakatakot yung handa nila. Hahaha!”
“Yung hindi ka tinanggap sa langit kaya sa impyerno napunta kaso hindi din tinanggap kaya half lang yun sunog.”
“Ung tira ito nung pasko, hindi na daw uso ipaksiw- ilechon nalang daw uli. Ayan, halos buto nlng naiwan.”
“Omg. kinabahan talaga ako sa handa nya nakakatakot!”
“Ang yaman naman nila Tikbalang handa!”
Nang makarating naman kay Apple Flores na viral na nga ang kanyang paandar na post, ito ang naging hirit niya, “Hindi sa pinagyayabang pero may natira pa dito sa bahay pick up n’yo na lang. HAHAHHAHAHAHA!”
James, Nadine trending sa socmed dahil sa lechon
Vhong isa sa mga artistang natulungan ni Willie; lamang-loob ng manok ang handa sa birthday
Nadine Lustre na-pressure bilang ‘president’ pero grateful pa rin: It makes me feel loved!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.