Kaso vs Purisima, Napenas umusad na
Sasailalim na sa administrative adjudication at preliminary investigation sina dating Philippine National Police chief Alan Purisima at dating Special Action Force director Getulio Napeñas kaugnay ng pagkamatay ng 44 pulis sa Mamasapano, Maguindanao.
Inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang rekomendasyon ng special panel ng field investigator na nagsagawa ng imbestigasyon.
Nahaharap sa grave misconduct, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina Purisima, Napenas at Chief Supt. Fernando Mendez Jr. na bahagi ng Oplan Exodus, ang planong inilungsad laban sa international terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.
Si Purisima ay nahaharap din sa kasong Usurpation of Official Functions sa ilalim ng Revised Penal Code dahil naki-alam umano siya sa operasyon kahit siya ay sinuspendi ng Ombudsman.
Kasama ni Purisima at Napenas sa kasong Neglect of Duty sina Chief Supt. Noli Taliño, Senior Supt. Richard Dela Rosa, Senior Supt. Senior Supt. Edgar Monsalve, Senior Supt. Abraham Abayari, Senior Supt. Raymund Train, Senior Supt. Michael John Mangahis, Senior Supt. Rey Ariño at Senior Insp. Recaredo Marasigan.
Tinuligsa ang operasyon matapos na mapaslang ang 44 miyembro ng SAF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.