Editoryal Archives | Page 8 of 13 | Bandera

Editoryal

Pacquiao hanap ng Kamara

KUNG maaari lang magbigay ng “kalabasa award” sa Kamara, imposibleng hindi mabigyan nito si Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Hayaan muna ninyong hubarin sa inyong isipan ang kanyang “boxer gloves” at tingnan lang si Pacquiao bilang isang mambabatas, at tiyak na may nakadidismaya sa kanya. Nitong Lunes, tila superstar na nagpakita si Pacquiao sa Kamara nang […]

Nangangamoy gera

KUNG hindi magiging maingat ang gobyerno sa paghawak ng problemang dulot ng Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 Special Action Force commandos, malamang na mabigo ang usapang pangkapayapaan at magresulta sa all-out war sa Mindanao. Maliban sa iilang mga utak-pulbara, higit na maraming Pilipino ang nais  na matuloy ang usapang pangkapayapaan.  Walang matinong pag-iisip ang […]

Hindi dapat ‘kabarilan’ ni PNoy

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang permanenteng pinuno ng Philippine National Police na itatalaga ni Pangulong Aquino matapos magbitiw si dating PNP Chief Director General Alan Purisima. Bagamat sinabing nagbitiw sa pwesto at hindi sinibak, ang paglayas ni Purisima sa PNP ay bunga nang matinding galit ng taumbayan sa pagkakapaslang sa 44 Special Action Force (SAF) […]

EDITORIAL: Palpak na serbisyo

IRESPONSABLE at walang malasakit sa mga pasahero maituturing ang Cebu Pacific sa nangyari sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Kapaskuhan kung saan halos ilang oras o araw ang ipinaghintay ng mga pasahero para makasakay sa eroplano at makarating sa kanilang paroroonan. Halos magrebolusyon na sa loob ng Terminal 3 nang abutin ang mga […]

EDITORIAL: ‘Ayaw ko ng term extension’

MATITIGIL lang ang mga espekulasyon sa usapin ng term extension ni Pangulong Aquino kung mismong siya ang pormal, malinaw, depenido at esaktong magsasalita na hindi na niya gugustuhin pa ng isang termino bilang pangulo ng bansa. Para patunayan ito, kailangang magpatawag si Ginoong Aquino ng isang pulong balitaan — sa harap ng telebisyon at radyo, […]

Bangungot ng Batas Militar

MADALI  raw makalimot ang mga Filipino. Ito ang madalas na naririnig tungkol sa malalaking pangyayari sa lipunan na sa kinalaunan ay naiwawaglit sa kaisipan. Kung ihahambing, para lang itong usong laruan ngayon at kapag nalaos ay itatabi na lamang. Kung minsan ay nakakakulo ng dugo ang paniwalang ito lalu na kapag dumarating ang paggunita sa […]

Dismayado sa krimen

SA nalalabing mga araw ng walang paglilingkod sa seguridad ng taumbayan, mahihirap man o mayayaman, isa lang tiyak na mangyayari: mas maraming busabos na boss ang mabibiktima pa ng mga kriminal at kriminal na mga pulis.  Kauulat lamang ng National Capital Region Police Office na bumaba ang krimen sa Metro Manila nang sumiklab ang sunud-sunod […]

Napa-Catapang

NAKAPANININDIG-balahibo ang pangako ni Gen. Gregorio Pio Catapang na buburahin niya ang rebelyon ng komunista at ang pambabandido nito sa pangingikil ng pera sa lehitimong mga negosyante sa taon 2015.  Nakangangalisag ng balahibo sa tenga dahil ang kanyang boss, ang butihing Ikalawang Aquino na anak nina Ninoy at Cory, ay wala namang ipinangangako sa taumbayan […]

Bahay ng magnanakaw

Huwag kang magnanakaw. —Exodus 20:15 NOONG panahon ni Gloria Arroyo, isa ang anak nina Ninoy at Cory sa mga nanggagalaiti na ipasa na sa Kamara at Senado ang Freedom of Information bill.  Ang FOI ang siyang maglalantad ng napakaraming lihim sa ZTE-NBN deal, karamihan dito ay ibinulgar nina Joey de Venecia at Jun Lozada.  Lahat […]

Pakitang-tao

Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos.  Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral.  Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga […]

Pulis, ipagbawal na

NAGLIPANA na ang bobong mga politiko, pulpol at gaya-gaya.  At dahil hindi gumagana ang kanilang utak, o kundi ma’y hindi nagagamit ang kanyang utak, tulad ng paninira kay Joseph Estrada nang tumatakbong pangulo (si Erap daw ang may orihinal na utak kesa sa bihis nang bihis, dahil hindi ito nagagamit at kung nagagamit man ay […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending