WALANG nakitang labis na katuwaan ang mga biktima ng bagyong Yolanda, lalo na sa mga bayan ng Homonhon, Wright, Palo, Tanauan at Tacloban City, nang isumite ng pulis na si Panfilo Lacson, na minsa’y naging pugante at hindi nahuli, ang P170.9 bilyon Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP) kay Pangulong Aquino pagkatapos ng Misang paggunita […]
NGANGA ang arawang obrero, ang mahihirap, pagkatapos ng SONA (state of the nation address) ng Ikalawang Aquino. Hindi pa rin gaganda ang buhay ng arawang obrero, ng taumbayan, pagkatapos ng SONA. Pero, mahal naman pala kayo ng butihing bugtong na anak na lalaki nina Ninoy at Cory dahil noon pa lamang ay inilaan na niya […]
JOKE lang ito. Kasi, ang sabi ng Malacanang, na tila boses ni Herminio Coloma na hinuhugot at nagmumula sa malalim na hukay ng sementeryo, ay joke din pagkalipas ng isa o dalawang araw na manawagan ang Ikalawang Aquino (sana’y wala nang Ikatlo, Ikaapat, Ikalima…), butihing bugtong na anak na lalaki nina Ninoy at Cory, na […]
Walang tinatakpan na hindi nabubunyag at walang natatago na hindi nahahayag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim,, ihayag n’yo sa liwanag. Ang narinig n’yo nang pabulong, ihayag mula sa bubong. —Ebanghelyo ni Mateo sa Sabado ng ika-14 na linggo ng taon, 10:24-33. WALANG lihim. Lahat ay nabubunyag. Maging ang itinuturong utak sa pagpatay kay […]
ANG sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Ang lumang kasabihang Tagalog na hanggang ngayon ay ginagamit. Ang kasabihan ay ginamit pa nga nina Susan Roces at Sen. Benigno Simeon Aquino III, na naghain ng Senate Bill no. 3132, na layong pigilan si Pangulong Arroyo o Executive Department sa paggamit ng savings ng mga ahensiya ng gobyerno, […]
ANG pangunahing krimen ay sana’y napigilan nina JPE (Juan Poncen Enrile), Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Pero, hindi nga nila pinigilan ito. Bagkus, ang pagpapatalsik kay Renato Corona nang walang dahilan kundi, sa salita ng tiwaling mga mamahayag, ay “bayad na,” ay “Naganap na,” isa sa binigkas sa Siete Palabras, na pinagnilay-nilayan din naman noong […]
ISINAKAY, at ibiniyahe na, ang arawang obrero, ang taumbayan at walang trabaho sa usaping pork barrel scam. Sa nakalipas na sanlinggo, isinisiksik sa lalamunan ng mahihirap si Bong Revilla. Pinag-aralang maging serye ng nasa poder, sa pakikipagsabwatan na rin ng mga hukuman, maliban sa hukumang binagsakan ng kaso kontra Juan Ponce Enrile, na natatameme sa […]
“KIKO patay, pataay, Kiko patay, pataay…” ang kanta ng commercial sa radio noong dekada ’50, na ang ibinebenta ay pampasigla ng katawan, pambuhay sa kalusugan. Si Kiko, noon, ay karaniwang bata sa lalamya-lamya at ang karamihan sa nakapaligid sa kanya ay mga batang masisigla. Kaya naman ang kanyang kalamyaan ay idinadaan ng masisiglang bata sa […]
Huwag kang sisira sa iyong sinumpaan. Tuparin mo ang sinumpaang pangako sa Panginoon. Nguni’t sinasabi ko naman sa inyo: huwag kayong manumpa sa ngalang ng Langit pagkat naroon ang Trono ng Diyos, ni sa ngalan ng lupa pagkat ito ang tuntungan ng kanyang mga paa, ni sa ngalan ng Jerusalem pagkat ito ang lunsod ng […]
Hinding hindi kayo nakakalimutan ng pangulo. You were always one of the president and the Cabinet priorities.—Manuel Roxas II TAMA si Mar Roxas, na sa Ingles, dala ng kanyang palayaw ang lahat ng negatibo, pangit, kalunus-lunos, kawawa at kahindik-hindik. Mar at tinawag na ngang Marred Roxas ng isang kolumnistang magiting, matapang at hindi nagkakamali sa […]
ITO namang si Grace Poe, umeksena lang, palpak pa. Nag-privilege speech sa electoral reforms, semplang pa. Nakagagalit! Ang sigaw ni Susan Roces noon. Nakagagalit! Ang sigaw ng Cebuano ngayon. Sa di na mabilang at paulit-ulit na pahayag ng mga Cebuano, hindi sila mandaraya. Muli, inulit ng mga Cebuano na hindi sila mandaraya. Ito kasing si […]