Editoryal Archives | Page 7 of 13 | Bandera

Editoryal

Basura ng Canada dapat ungkatin ni PNoy kay Harper

HALOS tatlong taon na ang nakararaan pero ang tone-toneladang basura na ibinagsak ng Canada sa Pilipinas ay nakatambak at namamaho pa rin sa loob ng bisinidad ng Bureau of Customs. Hunyo 2013 nang malayang nakapasok sa Manila International Container Port ang mga basura ga-ling ng Canada dahil idineklara ito bilang imported shipment na naglalaman ng […]

PNoy iniwan ng manggagawa

BUKAS, Mayo 1, gugunitain ng libo-libong manggagawa ang Araw ng Paggawa o Labor Day. Inaasahan na sa Mendiola Bridge malapit sa Malacañang, magtatapos ang kabi-kabilang martsa-protesta para ipakita kay Pangulong Aquino ang patuloy na pagsasamantalang nararanasan sa hanay ng mga arawang obrero. Pero kakaiba ngayon ang paggunita sa Labor Day. Kung dati, ang tradisyunal na […]

Lumalalang kaso ng HIV

ANG pagtaas ng bilang ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa Pilipinas ay lubhang nakakaalarma. Kung hindi kikilos ang kinauukulan lalo na ang pakikipagtulungan ng publiko, malamang sa hindi, ang kaso ng HIV magtutuloy-tuloy at tiyak na lumubha. Ang HIV ay isang uri ng virus na kung hindi makokontrol ay magiging ganap na Acquired Immunodeficiency […]

Ang paninisi ni Coloma sa media

NAGKAKAMALI si Sec. Herminio Coloma ng Presidential Communications Operations Office kung inaakala niyang mapapaikot niya ang publiko sa ginawa niyang pagpapaliwanag hinggil sa pagbulusok ng performance at trust rating ni Pangulong Aquino. Sa lingguhang pagharap ni Coloma sa mga mamamahayag na naka-assign sa Palasyo ng Malacañang, walang kakurap-kurap na sinabi nito na ang pagbagsak ng […]

Sibilyan ang talo sa all-out war ng militar

NITONG nakaraang Lunes, Marso 30, pormal na tinapos ng Armed Forces of the Philippines ang all-out war na kanilang inilunsad laban sa rebeldeng grupo na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Sa pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang, ang paglulunsad ng all-out war na ginawa ng militar ay upang “masawata” ang BIFF at […]

Ang kadaldalan ni Trillanes

NAGMUMUKHANG desperado na talaga itong si Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV. Tila gutom sa media mileage o gusto lang talagang mapag-usapan sa media, na kahit hindi kumpirmado o hindi malinaw ang isang pangyayari, ay agad-agad na magsasalita sa harap ng mga reporter para makabida lang sa balita. Nitong nakaraang araw, pumutok ang balita na ilang […]

PNoy mahihirapan makabangon

HINDI na nakabibigla ang resulta ng latest survey ng Pulse Asia hinggil sa pagbagsak ng rating ni Pangulong Aquino. Inaasahan na ng marami ang pagsadsad ng trust at approval rating ni Ginoong Aquino bunga ng trahedya sa Mamasapano, Maguindanao na nagresulta sa pagkakapatay sa 44 miyembro ng Special Action Force. Sa simula pa lang ng […]

PNoy kinakalasan na ng kaalyado

LALONG inilalayo ni Pangulong Aquino ang kanyang sarili sa kanyang mga boss. Unti-unti na rin humihiwalay sa kanyang anino hindi lamang ang kanyang mga kaanak kundi maging mga kaibigan at kaalyado gaya na lamang ni Akbayan Rep. Walden Bello. Kahapon, tuluyan nang kumalas si Bello sa Akbayan, isang partylist group na kilalang kakampi ni Ginoong […]

Silang bukod-tanging pinagpala

TALAGA namang nakabibilib ang listahan ng Forbes Magazine tungkol sa 1,826 na bilyunaryo (in US dollars) sa buong mundo na kinabibilangan ng 11 Pilipino. Sila ang masasabing “bukod-tanging pinagpala” dahil sa mega kayamanan na meron sila. Nangungunang Pilipinong nasa listahan ng world’s richest men sa buong mundo ay ang mall tycoon na si Henry Sy. […]

PNoy (hindi ka) nag-iisa

SA panahon na ang isang tao ay may kinakaharap na mabigat na problema at halos wala na itong masulingan, kaagad-agad, ang malalapit nitong mga kaibigan lalu na ang mga kamag-anak ang humaharap at nagtatanggol sa kanya. Napatunayan na sa maraming pagkakataon ang ganitong paniniwala na kahit na anong bigat ang pagkakamali o pagkakasala ng isang […]

May itinatago ba ang Senado?

MUKHANG hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng Senado nang magpatawag ito ng executive session kaugnay sa insidente sa Mamasapano, Maguindanao na nagresulta sa pagkakatay ng 44 miyembro ng PNP Special Action Force halos mag-iisang buwan na ang nakalilipas. Ang pagsasagawa ng executive session o closed-door hearing ng Senado ay hindi wasto lalo na kung wala namang […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending