BANDERA Editorial Articles Archives | Page 6 of 21 | Bandera

BANDERA Editorial Articles

Pahirapang pag-uusig

MAGAGALING talaga ang mga mambabatas.  Sa tagal ng panahon ng pakikibaka kontra droga ay pinahihirapan lalo ang paraan para usigin ang mga nahuhuling may ilegal na droga. Noong panahon ng martial law, simple lang ang kalakaran.  Kapag nahulihan ng droga ay tapos na ang kaligayahan.  Kahit na planted ang ebidensiya ay nakikita rin naman ito […]

Media ang sinisi

WALA nga palang maakit na maraming turista ang administrasyon ng Ikalawang Aquino at malinaw na di nila kayang pantayan ang nagawa ng “magnanakaw” na administrasyon ni Gloria Arroyo.

Wang-wang na dengue

APAW na ang mga ospital ng gobyerno sa Metro Manila sa mga pasyente ng dengue.  Wala na silang paglagyan kaya’t ang apat na bata sa isang kama ay karaniwang tanawin na rin.  Sanlinggo na rin sa mga pahayagan ang mga retrato ng “sinardinas” na mga pasyente ng dengue sa mga ospital ng gobyerno.

Panalo ang kalaban

SA 13 buwan panunungkulan ng Ikalawang Aquino, palaging panalo ang kalaban ng gobyerno. Palaging panalo ang mga rebeldeng komunista’t Moro, teroristang Abu Sayyaf at Lost Command kuno, na hindi naman malaman ng ISAFP kung sinu-sino ang mga miyembro at mabibilang sa daliri ang lumutang o itinuturong mga lider. Kinidnap ng may 30 kasapi ng New […]

Bandera Editorial: Magdiwang tayo

Bandera Editorial IPAGDIWANG natin ang muling panalo ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Sabayan natin ang buong mundo, na di makapaniwalang may Pinoy na walang kupas ang lakas, sigla, talas ng pag-iisip at dedikasyon sa larangang kanyang pinasok. Higit sa lahat, purihin at tularan natin si Pacquiao sa kanyang walang sawang pag-aalay ng kanyang mga laban […]

Bandera Editorial: Hustisya sa Undas

Bandera Editorial ANG Undas ay para sa alaala ng mga patay, ng mga mahal sa buhay na nasa kabilang dako na, ng ama’t ina o mga kapatid na nauna nang tinawag para humimlay sa walang hanggang katahimikan. Sana nga. Ang kailangan ng mga namayapa ay dasal, dalaw sa campo santo, pagdawdaw sa dalampasigan kung ang […]

Bandera Editorial: Barangay Elections na – Sino’ng iboboto mo?

Bandera Editorial KUNG di mo alam ang mga nagaganap sa barangay mo, may problema ka.  Kung di mo kilala ang barangay chairman, dayuhan kang naninirahan sa sarili mong komunidad. Kung di mo kilala ang barangay chairman, sa malalamang, di mo rin kilala ang mga kagawad at opisyal ng SK (sino nga naman ang makakikilala sa […]

Bandera Editorial: Ang media kina Cory, Noy

Bandera Editorial NOONG inihayag ni Corazon Aquino ang kanyang pagkandidato laban kay Ferdinand Marcos, api na (dahil di sila kinakausap, at ayaw silang kumbidahin at palapitin tulad ng pagtitipong ginanap alas-8 ng gabi sa bahay ni Francisco Sumulong sa Antipolo, Rizal) ang tinawag na crony press. Ang media na bumabatikos lang kay Marcos ang nakakausap […]

Bandera Editorial: Regalo sa magugulo

Bandera Editorial SA mga pamilya at biktima ng pag-aalsa ng militar, di nila maintindihan kung bakit bigla na lang binigyan ng amnesty ang mga nanggulo. Sa pag-aalsa ni Gregorio Honasan noong Agosto 28, namatay ang photographer ng Ang Pilipino Ngayon (ngayon ay Pilipino Star Ngayon). Tinamaan ng bala ang paa ng driver ng driver ng […]

Bandera Editorial: Pag mahirap, bawal

Bandera Editorial KAPAG ang mahihirap ang tuturuan ng gobyerno na magplano ng pamilya, at sila na mismo ang humingi ng tulong sa pamahalaan para magkaroon ng libreng condom at pilduras, bawal. “Mahigpit na ipinagbabawal” iyan ng Diyos, ang igigiit ng simbahang Katolika.

Bandera Editorial: Banggain ang simbahan

Bandera Editorial Gawing maayos ang kabuktutan at hahangaan ka… Jose Rizal, Mga Huling Matuwid, El Filibusterismo AT dahil malapit nang maging 100 milyon ang populasyon natin, kabuktutan na ang hayaang magparami na lang ng anak ang bawat mag-asawa, ang mga hindi mag-asawa pero nagsasama bilang mag-asawa; at ang libangan ang magpabuntis na lang kapag dumaloy […]

Previous           Next
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending