Media ang sinisi | Bandera

Media ang sinisi

- August 22, 2011 - 02:17 PM

WALA nga palang maakit na maraming turista ang administrasyon ng Ikalawang Aquino at malinaw na di nila kayang pantayan ang nagawa ng “magnanakaw” na administrasyon ni Gloria Arroyo.

Maraming idinadahilan ang Department of Tourism.  Kesyo lumindol sa Japan, taghirap sa Amerika at kuripot ang mga Koreano, atbp.  Pero, wala silang programa para akitin ang mga Intsik sa mainland at mga Indian, na kapwa mahigit isang bilyon ang populasyon (10% lang niyan ay yayaman na ang Pilipinas).

At dahil di kayang tapatan ang nagawa ni Ace Durano, ang media ang sinisisi ng mga opisyal ng turismo.
Ha!?!

 Tinatakot daw ng media ang mga turista sa pamamagitan ng paglalathala ng negatibong mga istorya’t balita.  Sobra na raw ang karahasang ibinabalita ng media.

 Nagbabasa ba ng mga tabloid sa Pinas ang mga turista?

 Pero, ano’ng magagawa ng media kundi iulat ang hinoholdap na mga turistang Hapon paglabas ng NAIA?

 Ano’ng magagawa ng media kundi iulat ang:

 * Kidnapping ni Lingig Mayor Henry S. Dano at dalawang escorts.

 *  Pamamaril kay Archer Baldwin Martinez, dating pangulo ng Rotary Club of Dumaguete sa kanyang bupete?

 *  Pamamaril at pamamaslang kay barangay administrator Rene Ebol sa Pagadian.

 *  Pamamaslang kay Pangsayan Radi Jr., municipal planning development officer ng Labangan, kalapit na bayan ng Pagadian.

 *  Pmamaslang ng mga magnanakaw sa 78-anyos na si Wu Xuan Xuan sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Parada, Valenzuela City.

 *  Pagnanakaw at pangmomolestiya sa babae sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Malinta, ninakawan at minolestiya pa ang babae sa loob ng kanyang bahay.  Sa Mandaluyong, sinaksak ang kawani ng City Hall malapit sa kanyang bahay.

 *  Pamamaslang ng pulis na si Harold Meneses sa 18-anyos na Pinoy-Norwegian na si Michael Troy Rasay sa away-bar.

 *  Pag-ambus sa convoy ni Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu sa Tacurong City, Sultan Kudarat, na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng anim pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kailangan ba ang isa pang martial law para di na maiulat ng media ang “nakatatakot” na mga balita na nangyayari dahil sa kapabayaan ng kinaukulan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending