Bandera Editorial: Regalo sa magugulo | Bandera

Bandera Editorial: Regalo sa magugulo

- October 14, 2010 - 11:59 AM

Bandera Editorial

SA mga pamilya at biktima ng pag-aalsa ng militar, di nila maintindihan kung bakit bigla na lang binigyan ng amnesty ang mga nanggulo.
Sa pag-aalsa ni Gregorio Honasan noong Agosto 28, namatay ang photographer ng Ang Pilipino Ngayon (ngayon ay Pilipino Star Ngayon). Tinamaan ng bala ang paa ng driver ng driver ng Manila Times, na noon ay naghatid lang ng photographers sa R. Magsaysay blvd., sa Santa Mesa, Maynila, malapit sa Rotonda.
Kalunus-lunos ang burol sa barung-barong ng photographer ng APN, na kailangan pang tumulay sa tagpi-tagping tabla para marating lamang ito, at kailangang yumuko para di maumpog sa pinto.
Ang driver ng Manila Times ay pinaasa ng kung anu-anong grupo’t foundation ek-ek, pumila, naghintay at umasa sa wala.
Mistulang iniregalo pa ang amnesty sa magugulo.
Walang namatay sa Oakwood, sa Marine barracks at sa Manila Peninsula. Pero, milyones ang nawala sa kita ng negosyo at turismo, bukod sa istorbong idinulot sa banyagang mga turista, na di naman lahat sa kanila ay mayayaman na puwedeng maglamyerda kahit wala na ito sa kanilang budget.
At noong Martes, mistulang iniregalo na naman ang amnesty sa magugulo.
Sariwa pa naman sa alaala at di pa nakalilimutan ng mamamayang walang kapangyarihan at pinangangakuan lang sa tuwing sasapit ang kampanya sa eleksyon ang pagpapalaya ni Pangulong Arroyo sa mga sundalong pumatay kay Benigno Aquino Jr. Sa mga panayam sa media noon sa pamilya at malalapit sa Aquino, masakit sa kanilang damdaming pinalaya ang mga kawal, na nanindigan pa ring si Rolando Galman ang pumatay at hindi si Rogelio Moreno.
Ngayon, inunahan na ni Pangulong Aquino ang Kongreso at binigyan na ng amnesty ang magugulong grupo ni Antonio Trillanes IV, ang nagmamalinis. Ang malapit sa pamilya Aquino na si Sen. Joker Arroyo, ang unang executive secretary ng yumaong Pangulong Corazon Aquino, ay di sang-ayon dahil ang magugulong grupo ni Trillanes ay hindi biktima ng “inhustisya.”
Ngayon, napakaagang pamasko pa sa magugulo (na sinikap pero nabigong pabagsakin ang gobyerno ni ex-President Gloria Arroyo dahil di sila sinamahan ng Amerika) ang amnesty ng pangulo.

Bandera, Philippine News at Opinion, 101410

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending