Apat katao ang nasawi nang salpukin ng pampasaherong jeepney ang dalawang motorsiklo, sa Binangonan, Rizal, kagabi. Dead on arrival sa ospital ang driver ng mga motor na sina Perly Bucalon at Celso Angel, pati ang mga angkas nilang sina Roseby Mondragon at Marilen Angel, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong […]
Nasawi ang isang habal-habal driver at dalawa niyang pasaherong bata habang tatlo pang menor de edad ang malubhang nasugatan, nang mahulog sa tulay ang sinakyan nilang motorsiklo sa Lopez, Quezon, Martes ng hapon. Dead on the spot ang driver na si Junior Francisco, 48, dahil sa mga pinsala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng […]
Patay ang isang lalaki at kanyang angkas nang mabundol ng pampasaherong bus ang sinakyan nilang motorsiklo, sa Sto. Domingo, Ilocos Sur. Dinala pa sa ospital ang driver ng motor na si Cesar Guillermo, 33, ngunit binawian ng buhay habang nilulunasan, ayon sa ulat ng Ilocos regional police. Idineklara namang patay sa pinangyarihan ang di pa […]
Pinaghahanap ngayon ng mga rescuer ang dalawang lalaki na natabunan ng landslide kasama ng sinakyan nilang trak, sa Anda, Bohol, Lunes ng hapon. Naganap ang insidente dakong alas-4:45 sa Brgy. Candabong, sabi ni Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng Central Visayas regional police. Sakay ng mini-dump truck ang dalawang lalaki nang aksidenteng maguhuan ng lupa, aniya. […]
Lima katao ang nasawi at higit 100 ang nasugatan nang mabuwal ang bunkhouse ng mga construction worker sa Cebu City, Martes ng umaga. Unang nakilala ang dalawang nasawi na sina Carlos Caliwa, 61, ng Manjuyod, Negros Oriental, at Iveen Villarin, 23, ng Naga City, Cebu, sabi ni Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng Central Visayas regional […]
Nasawi ang isang 31-anyos na babae at dalawa niyang anak nang pagtatagain ng kinakasama niyang lalaki, sa San Andres, Romblon, Martes ng umaga. Napatay din ang suspek na si Michael Falceso, 33, nang paputukan ng mga pulis matapos niya silang sugudin ng itak, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police. Nakilala ang […]
Nadakip ng mga tropa ng pamahalaan ang isang sub-leader ng ISIS-backed na Maute terror group at kanyang misis, nang magsagawa ng operasyon sa Tondo, Manila. Naaresto ang sub-leader na si Nasser Lomondot alyas Muhamad Lomondot at misis niyang si Riasalam, na kasapi din ng grupo, sabi ni Dir. Oscar Albayalde, heoe ng National Capital Region […]
Nasawi ang 5-buwang sanggol na babae habang sugatan ang nakatatanda niyang kapatid nang laslasan ng kanilang ina, sa Dasmariñas City, Cavite, iniulat ng pulisya Huwebes. Nilaslas din ng 32-anyos na suspek ang kanyang leeg, magkabilang pulso, at mga binti, pero nadala siya sa ospital, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Itinawag sa pulisya ng […]
Patay ang dalawang lalaki nang masalpok ng 10-wheeler truck ang sinakyan nilang tricycle sa Sta. Maria, Isabela. Dead on the spot ang driver ng tricycle na si Samson Canceran, 21, at angkas niyang si Crispin Dela Cruz, 32, dahil sa mga pinsala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police. Nasalpok ng […]
Umabot na sa 10,279 katao ang dinapuan ng sakit sa gitna ng patuloy na pag-aalburuto ng Mayon Volcano sa Albay, ayon sa mga awtoridad. Mula nang mag-umpisa ang pag-aalburuto ng bukan noong Enero 15 ay 6,850 ang nagpakonsulta dahil sa acute respiratory infection, ayon sa datos mula sa Office of Civil Defense-Bicol. Sumunod namang pinakamarami […]