Tatlo katao ang nasawi at apat pa ang nasugatan nang masalpok ng sports utility vehicle ang sinakyan nilang tricycle sa Bacolod City, Huwebes ng madaling-araw. Dead on the spot ang mga sakay ng tricycle na sina Erlinda Villar at Melinda Tesoro, habang dead on arrival sa ospital si Rodelyn Nacis, sabi ni Senior Insp. Armilyn […]
Labintatlo katao, kabilang ang isang pulis, ang nasugatan nang mahulog sa palayan ang isang pampasaherong van sa Sta. Margarita, Samar. Kabilang sa mga sugatan si PO1 Genaro Marito Jr., 30, nakatalaga sa Sta. Margarita Police Station, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police. Naganap ang insidente dakong alas-3:40 ng hapon Martes, sa bahagi ng […]
Pinasubalian ng pulisya ang ulat na mga tauhan nito ang ilan sa mga napatay na kidnaper sa San Pablo City, Laguna, nitong Martes. Matatandaang naganap ang engkuwentro sa operasyon para iligtas ang negosyanteng si Ronaldo Arguelles, na dinukot sa Candelaria, Quezon. Nakilala ang apat sa mga napatay bilang sina Juan Vicente Lunasco, Jairo Adanza Olegario, […]
Natagpuang patay ang 46-anyos na lalaki matapos niya umanong magbigti, sa Pitogo, Zamboanga del Sur, noong kanyang kaarawan Lunes ng gabi, ayon sa pulisya. Ndiskubre na lang ang katawan ni Roel Prego na nakabitin sa loob ng kanyang bahay sa Purok 3, Brgy. Sugbay Dos, pasado alas-8, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. […]
Mahigit 40 katao na ang nalunod sa kasagsagan ng summer vacation, kabilang ang nagdaang Semana Santa, ayon sa mga otoridad. Sa tala ng National Police, sinasabi na sa 43 “drowning incident” na naitala mula Marso 23 hanggang Abril 2 ay kabuuang 37 ang nasawi. Sa 37, isa ang mula sa Ilocos region, anim sa Cagayan […]
Sinampahan na ng kaso ang di bababa sa siyam na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nambugbog sa kanilang mga kaga-graduate lang na mga senior. Ipinagharap ng kasong serious physical injury sa Cavite Provincial Prosecutor’s Office ang mga kadete, sabi ni Chief Supt. Joseph Adnol, direktor ng akademiya na nasa Silang, Cavite. Nakabase […]
Labintatlo katao ang napatay at 109 ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon kontra iligal na droga at baril sa Bulacan, nito lang Miyerkules. Napatay si Limwell Vernales alyas “one fourth” sa Bocaue; alyas “Joey” at alyas “Joel” sa Bulakan; Emmanuel Manicad sa Malolos City; alyas “Pakyaw” sa Plaridel; alyas “Jay-one” sa Pulilan; alyas Ode, alyas […]
Natagpuang patay ang isang lalaki nang suwagin ng kalabaw na kinakabitan niya sana ng kariton, sa Talisay City, Negros Occidental, nitong Martes. Nadiskubre ang bangkay ni Juan Barcillo, 45, sa Hacienda Mana-ul, Brgy. Matab-ang, dakong alas-6 ng umaga, ayon sa ulat ng Negros ccidental provincial police. Lumabas sa imbestigasyon na dakong alas-2 ng umaga ding […]
Nasawi ang isang college student nang mabagok sa pader habang nagka-cutting classes, sa kanilang paaralan sa Sindangan, Zamboanga del Norte, nitong Martes, ayon sa pulisya. Dinala pa sa ospital si Lofrey Ordialez, 20, estudyante ng Philippine Advent College, matapos madiskubre ang kanyang katawan sa tabi ng pader, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa […]
Dinampot ng mga otoridad ang 14 Vietnamese national na nahuling iligal na nangingisda sa bahagi ng dagat na sakop ng Paluan, Occidental Mindoro, ayon sa pulisya. Nadakip ang mga banyaga dakong ala-1 ng umaga Miyerkules, at ngayo’y nasa Mamburao, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police. Nagsasagawa ng seaborne patrol ang mga […]
Napatay ang umano’y “right-hand man” ng aminadong drug lord ng Visayas na si Kerwin Espinosa nang makabarilan ng mga pulis sa Ormoc City, iniulat ng pulisya Linggo. Nakilala ang nasawi bilang si Max Miro, tubong Albuera, Leyte, sabi ni Chief Insp. Ma. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas regional police. Naganap ang insidente dakong alas-10 […]