Nambugbog na PNPA cadets tinuluyan  | Bandera

Nambugbog na PNPA cadets tinuluyan 

John Roson - March 27, 2018 - 07:13 PM
Sinampahan na ng kaso ang di bababa sa siyam na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nambugbog sa kanilang mga kaga-graduate lang na mga senior. Ipinagharap ng kasong serious physical injury sa Cavite Provincial Prosecutor’s Office ang mga kadete, sabi ni Chief Supt. Joseph Adnol, direktor ng akademiya na nasa Silang, Cavite. Nakabase ang kaso sa mga reklamong inihain nina Insp. Arjay Divino at Insp. Ylam Lambencio, aniya. Kinumpirma din ito ni Supt. Rommel Javier, hepe ng Silang Police, na nagsabing naisampa ang kaso nitong Lunes. Naganap ang insidente Marso 21 ng hapon, matapos ang graduation ng Maragtas Class of 2018. Sa imbestigasyon, lumabas na pagkatapos ng seremonya ay nagbalik ang mga graduate sa kanilang barracks at sinalubong ng mga kadete para sa tradisyunal na pag-congratulate sa mga nagtapos. Anim na kadete, kabilang sina Divino at Lambencio, ang noo’y sumasailalim sa tradisyunal na “lifting” at “dunking,” nang sugurin sila ng iba pang kadete na naka-bonnet at maskara. Doo’y pinagpapalo at hinampas na ng mga sumugod ang mga graduate, gamit ang isang plastic container, t-shirt na may matigas na bagay sa loob, rattan batons, at iba pa. Dahil sa pag-atake’y nagtamo ang mga graduate ng mga pasa, black-eye, galos, at mayroon pang nagtamo ng paso, ayon sa pulisya. Kaugnay nito, kinundena ng PNPA Alumni Association Inc. (PNPAAAI) ang sinapit ng mga graduate. “Such act has no place in the academy more so in a civilized society. There is no tradition of hurting fellow cadets or any person for that matter,” sabi ng PNPAAAI sa isang kalatas. “What happened was an isolated case and we do not condone such demeanor. We fully support the ongoing investigation and if evidence warrants, they should be held accountable for nobody is above the law,” sabi pa ng grupo. (John Roson) – end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending