Birthday boy nagbigti | Bandera

Birthday boy nagbigti

John Roson - April 10, 2018 - 07:12 PM
Natagpuang patay ang 46-anyos na lalaki matapos niya umanong magbigti, sa Pitogo, Zamboanga del Sur, noong kanyang kaarawan Lunes ng gabi, ayon sa pulisya. Ndiskubre na lang ang katawan ni Roel Prego na nakabitin sa loob ng kanyang bahay sa Purok 3, Brgy. Sugbay Dos, pasado alas-8, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Huli umanong nakitang buhay ng mga kaanak si Prego Lunes ng umaga, habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Lumabas sa paunang imbestigasyon na nag-suicide si Prego matapos dumanas ng depresyon. Napag-alaman na naging balisa si Prego dahil ang kanyang misis, na nagtatrabaho sa Davao City, ay mahigit isang taon nang di umuuwi, kahit para sa kanyang kaarawan, ayon sa pulisya. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending