Muslim communities mino-monitor para sa posibleng pagtatago ng terorista -- NCRPO | Bandera

Muslim communities mino-monitor para sa posibleng pagtatago ng terorista — NCRPO

John Roson - March 07, 2018 - 06:46 PM
Sinusubaybayan ng mga awtoridad ang iba-ibang Muslim community sa Metro Manila para sa posibleng pagtatago doon ng mga teroristang tumakas sa Mindanao, sabi ni National Capital Region Police Office chief Dir. Oscar Albayalde. “What we do is monitor ‘yung posibleng pagtatago nila.. Since galing sila sa Mindanao, it’s apparent and basic na sa Muslim enclaves sila magtatago at magsi-seek ng refuge,” sabi ni Albayalde sa pulong-balitaan. Ibinigay ni Albayalde ang mga pahayag matapos maaresto sa Maynila ang isang sub-leader ng ISIS-backed Maute group na kumubkob sa Marawi City, at ilang dayuhang bahagi din umano ng mga teroristang grupo. Nagsilbi din itong rekasyon ng NCRPO chief sa impormasyon mula sa militar na may 313 miyembro ng Maute-ISIS na nakatakas sa Marawi at nagtatago ngayon sa iba-ibang lugar. Ayon kay Albayalde, mahigit 70 ang “Muslim enclaves” sa Kamaynilaan, ngunit di pa tiyak kung lahat ito ay pinagtataguan ng mga tumakas na terorista. Kabilang sa mga mino-monitor ngayon ay yang mga nasa Maynila, Taguig City, at Muntinlupa City, aniya. Nakikipag-ugnayan ang NCRPO sa mga lider ng Muslim communities at tiniyak ng mga ito ang suporta sa kampanya kontra terorismo ng pulisya, ani Albayalde.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending