Nilaslas ng ina; baby patay, ate sugatan | Bandera

Nilaslas ng ina; baby patay, ate sugatan

John Roson - March 01, 2018 - 05:30 PM
Nasawi ang 5-buwang sanggol na babae habang sugatan ang nakatatanda niyang kapatid nang laslasan ng kanilang ina, sa Dasmariñas City, Cavite, iniulat ng pulisya Huwebes. Nilaslas din ng 32-anyos na suspek ang kanyang leeg, magkabilang pulso, at mga binti, pero nadala siya sa ospital, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Itinawag sa pulisya ng isang lokal na ospital alas-6:30 ng umaga Miyerkules na may nilulunasan silang menor de edad, kaya nagtungo ang mga alagad ng batas doon para mag-imbestiga. Sinabi sa mga imbestigador ng sugatang 11-anyos na nang umagang iyo’y nagising na lang siya habang nilalaslas ng ina ang magkabila niyang pulso. Kasunod noo’y nakita rin umano ng dalagita na wala nang buhay ang 5-buwang kapatid, kaya nanakbo palabas ng bahay at humingi ng saklolo. Sa yugtong iyon na umano naglaslas sa sarili ang suspek. Nagsampa na ng reklamong parricide at frustrated parricide ang lola ng mga bata, laban sa suspek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending