Trak vs. trike; 2 patay | Bandera

Trak vs. trike; 2 patay

John Roson - February 22, 2018 - 06:35 PM
Patay ang dalawang lalaki nang masalpok ng 10-wheeler truck ang sinakyan nilang tricycle sa Sta. Maria, Isabela. Dead on the spot ang driver ng tricycle na si Samson Canceran, 21, at angkas niyang si Crispin Dela Cruz, 32, dahil sa mga pinsala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police. Nasalpok ng 10-wheeler wing van na dala ni Edmar Lorenzo ang tricycle dakong alas-7:30 ng gabi Martes, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Poblacion 1. Minamaneho ni Lorenzo ang trak patungo sa bayan ng Roxas, nang masalpok ang tricycle na minamaneho naman ni Canceran patungo sa direksyon ng Tuguegarao City, Cagayan. Lumabas sa imbestigasyon na lumipat sa kabilang lane ang trak para unahan ang isa pang sasakyan, pero nasalpok ang kasalubong na tricycle, ayon sa pulisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending