Trak, 2 sakay nalibing nang buhay | Bandera

Trak, 2 sakay nalibing nang buhay

John Roson |March 06,2018
facebook
share this

Trak, 2 sakay nalibing nang buhay

John Roson - March 06, 2018 - 06:47 PM
Pinaghahanap ngayon ng mga rescuer ang dalawang lalaki na natabunan ng landslide kasama ng sinakyan nilang trak, sa Anda, Bohol, Lunes ng hapon. Naganap ang insidente dakong alas-4:45 sa Brgy. Candabong, sabi ni Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng Central Visayas regional police. Sakay ng mini-dump truck ang dalawang lalaki nang aksidenteng maguhuan ng lupa, aniya. Nagka-quarry umano ng limestone ang mga biktima noon, ayon sa isang ulat sa radyo. Hindi umulan bago ang insidente, pero pinaniniwalaang malambot pa rin ang lupa dahil sa pagdaan ng baguo noong nakaraang buwan, ayon pa sa ulat. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending