Jeep vs. 2 motor; 4 patay | Bandera

Jeep vs. 2 motor; 4 patay

John Roson |March 07,2018
facebook
share this

Jeep vs. 2 motor; 4 patay

John Roson - March 07, 2018 - 04:21 PM
Apat katao ang nasawi nang salpukin ng pampasaherong jeepney ang dalawang motorsiklo, sa Binangonan, Rizal, kagabi. Dead on arrival sa ospital ang driver ng mga motor na sina Perly Bucalon at Celso Angel, pati ang mga angkas nilang sina Roseby Mondragon at Marilen Angel, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong alas-10, sa Brgy. Pag-Asa. Minamaneho nina Bucalon at Angel ang mga motor patungo sa direksyon ng Binangonan proper, nang masalpok ng jeep na minamaneho ni Norman Bacordo patungong Angono, ayon sa ulat. Bigla na lang umano nawalan ng kontrol sa manibela ang jeepney driver, kaya lumipat sa kabilang lane ang kanyang sasakyan at nasalpok ang mga kasalubong na motor, ayon sa pulisya. Dinala ang mga sakay ng dalawang motor sa Angono General Hospital at Margarito Duavit Hospital, kung saan sila idineklarang patay ng mga doktor. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending