APAT katao ang nalunod at isa pa ang nawawala matapos umanong maanod habang naliligo sa bahagi ng Agno River na sakop ng San Carlos City, Pangasinan, ayon sa pulisya. Natagpuan ang ang mga labi ng 11-anyos na si Raymart Peralta, ang ikaapat na nasawi, dakong alas-2:30 ng hapon Huwebes sa bahaging ilog na nasa Brgy. […]
DALAWANG tao ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng mga security guard, sa Cavite at Laguna, Biyernes ng madaling-araw. Sa unang insidente, nasawi si Mark Anthony Borantes at sugatan si Ronie Pagtabunan nang paputukan sa isang industrial park sa Brgy. Maduya, Carmona, Cavite dakong alas-12:30, ayon sa ulat ng Calabarzon regional […]
DAAN-daang tao ang nagsilikas dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong “Ramon” sa Luzon. Nasa 227 pamilya ang nagsilikas sa mga bayan ng Caramoan, Garchitorena, at Pasacao ng Camarines Sur, at sa bayan ng Tiwi, Albay, bilang paghahahanda sa bagyo, batay sa inisyal na tala ng Office of Civil Defense-Bicol. Nakapagtala naman ng pulisya ng 203 […]
NASAWI ang isang pulis at sugatan ang kanyang kuya nang aksidente umanong maputukan ng baril, sa Narra, Palawan, Martes ng gabi. Ikinasawi ni Cpl. Melvin Rios, miyembro ng Provincial Drug Enforcement Unt, ang tama ng bala sa sentido, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police. Nagtamo naman ng tama ng bala sa kanang bahagi ng […]
NASAWI ang isang lalaki, kanyang asawa, at kanilang anak nang lamunin ng apoy ang tinitirhan nilang gusali sa Olongapo City, Zambales, Miyerkules ng umaga. Nasawi sina Ricardo Panganiban, 27; asawa niyang si Marian, 25; at anak nilang si Aira, 2, ayon sa ulat ng Olongapo City Fire Station. Nagsimula ang apoy dakong alas-5, sa gusaling […]
NASAWI ang isang mangingisda nang pagbabarilin ng isa umanong technician ng National Power Corporation, sa Puerto Princesa City, Palawan, Biyernes ng hapon. Agad ikinasawi ni Bobby Molina, 45, ang mga tama ng bala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police. Naganap ang insidente dakong alas-4:30, sa dalampasigan ng Purok Kapalaran, Brgy. Luzviminda. […]
NAKALIGTAS, bagamat nasugatan, ang isang dalagita matapos labanan ang buwayang sumakmal sa kanya, sa Balabac, Palawan, Biyernes ng gabi. Dinala si Haina Lisa Habi, 12, sa lokal na Rural Health Unit dahil sa kagat ng buwaya sa kanang binti, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police. Naganap ang insidente dakong alas-6:30, sa isang creek sa […]
NASAWI ang isang jail officer habang isa sa kanyang mga kasama ang nasugatan sa pananambang ng armadong kalalakihan sa Bacolod City, Biyernes ng gabi. Napatay si JO1 Jayvee Jason Vargas, 28, residente ng Brgy. Handumanan, sabi ni Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police. Sugatan si Gian Philip Yoro, 25, residente ng […]
ARESTADO ang isang seaman matapos ireklamo ng pagbi-video sa maselang bahagi ng babaeng kasakay niya sa pampasaherong bus, sa Imus City, Cavite, nitong Huwebes. Naaresto si Ernie Bentulan, 46, residente ng Brgy. Salitran 4, Dasmariñas City, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-2:30, sa bahagi ng Aguinaldo Highway na sakop […]
NASAWI ang isang miyembro ng Provincial Board ng Apayao at isang pulis nang tamaan ng landslide ang tinuluyan nilang bahay, sa bayan ng Kabugao nitong Huwebes, ayon sa mga otoridad. Nasawi sina Board Member Tolentino Mangalao at Cpl. Rommel Gumidam, ayon sa impormasyon mula sa Office of Civil Defense-Cordillera. Naganap ang insidente sa Brgy. Dibagat, […]
NASAWI ang 86-anyos na babae nang lamunin ng apoy ang kanyang bahay sa Pilar, Sorsogon. Na-trap ang matandang balo na si Jertrudes Luber dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy sa kanyang kubo, ayon sa ulat ng Sorsogon provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw Miyerkules, sa Sitio Sapran, Brgy. Sta. Fe. […]