2 sekyu namaril; 2 patay | Bandera

2 sekyu namaril; 2 patay

John Roson |November 15,2019
facebook
share this

2 sekyu namaril; 2 patay

John Roson - November 15, 2019 - 04:28 PM

DALAWANG tao ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng mga security guard, sa Cavite at Laguna, Biyernes ng madaling-araw.

Sa unang insidente, nasawi si Mark Anthony Borantes at sugatan si Ronie Pagtabunan nang paputukan sa isang industrial park sa Brgy. Maduya, Carmona, Cavite dakong alas-12:30, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Bago ito, rumuronda sa pinagtatrabahuhang Golden Mile Business Park ang guwardiyang si Alcher Moreno at napansin sina Borantes, Pagtabunan, at apat pang lalaki sa isang gusali doon.

Di umano awtorisadong pumasok sa industrial park ang kalalakihan kaya sinita ni Moreno.

Pinagbabato umano siya ng mga lalaki kaya pinaputukan niya ng kanyang service shotgun, at tinamaan sina Borantes at Pagtabunan.

Tumakas ang guwardiya matapos ang insidente.

Ilang minuto lang matapos ito, dakong ala-1:10, isa pang lalaki ang napatay ng security guard ng isang subdivision sa katabing lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

Nakilala ang nasawi bilang si Reynante Guy-ab at ang suspek, si Sonny Boy Mellor, 22.

Nagtalo umano ang dalawa bago pinaputukan ni Mellor ng shotgun si Guy-ab sa clubhouse ng Villa Caceres sa Brgy. Dila.

Tumakas rin si Mellor matapos ang insidente, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending