Dalagita pumalag sa buwaya, sugatan

By John Roson November 09,2019
share this

Dalagita pumalag sa buwaya, sugatan

By John Roson November 09,2019
share this

NAKALIGTAS, bagamat nasugatan, ang isang dalagita matapos labanan ang buwayang sumakmal sa kanya, sa Balabac, Palawan, Biyernes ng gabi.

Dinala si Haina Lisa Habi, 12, sa lokal na Rural Health Unit dahil sa kagat ng buwaya sa kanang binti, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-6:30, sa isang creek sa Brgy. Poblacion 4.

Tinatawid ni Haina at kapatid na si Hashim ang creek nang bigla siyang kagatin ng buwaya sa binti, ayon sa ulat.

Nilabanan ng dalagita ang hayop sa tulong ng kanyang kapatid, hanggang sa tuluyan siyang makaalpas, ayon sa pulisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending