Joshua wish makatrabaho si Kathryn: ‘Gusto ko drama na romantic’

Joshua ‘wish’ makatrabaho si Kathryn: ‘Gusto ko sana drama na romantic’

Pauline del Rosario - November 25, 2024 - 09:47 AM

Joshua ‘wish’ makatrabaho si Kathryn: ‘Gusto ko sana drama na romantic’

Joshua Garcia, Kathryn Bernardo

NAGSALITA na ang aktor na si Joshua Garcia patungkol sa kumakalat na chikang pagtatambal nila ng award-winning actress na si Kathryn Bernardo.

Sa interview ng ABS-CBN during the Star Magical Christmas Ball, inamin ni Joshua na pangarap niyang makasama sa isang proyekto si Kathryn ngunit wala pang nakaplano para rito.

“Sana! Pero wala pa naman nasabi sa akin,” sey niya.

Aniya pa, “Hindi pa siya totoo, pero sana.”

Nang tanungin siya kung anong genre ang naiisip niya sakaling magkaroon nga sila ng collaboration ni Kath.

Baka Bet Mo: Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news

Ang sagot niya, “Gusto ko sana drama, drama na romantic.”

Kasunod niyan ay inalala ng aktor ang kanyang pagkahumaling sa aktres at very thankful daw siya dahil naging magkaibigan sila.

“Oo naman! PBB pa lang, crush ko na ‘yun eh,” wika niya.

Chika pa ni Joshua, “Parang inamin ko naman ‘yun nun sa PBB. Parang natutulala pa ako. Malaking achievement from humahanga lang ako sa kanya to naging magkaibigan kami.”

Sa ngayon, abala si Joshua sa taping ng Philippine adaptation ng Korean hit series na “It’s Okay to Not Be Okay” kasama sina Anne Curtis at Carlo Aquino.

Samantala, ang latest project ni Kathryn “Hello, Love, Again” ay showing sa mga sinehan at patuloy na gumagawa ng kasaysayan sa takilya.

Naibalita namin kahapon, November 24, na ang pelikula niya with Alden Richards ang naging kauna-unahang Pinoy film na umani ng mahigit P1 billion box-office worldwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang movie nina Kath at Alden ay showing na sa Hong Kong at Macau, habang may ongoing screenings ito sa ilang European countries, kabilang na ang Austria, Finland, France, Germany, Greece, Ireland, Italy, Malta, Spain, The Netherlands, at UK.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending