Joshua Garcia may inamin tungkol kay Kathryn Bernardo, anong konek sa isang sinehan sa Batangas? | Bandera

Joshua Garcia may inamin tungkol kay Kathryn Bernardo, anong konek sa isang sinehan sa Batangas?

Ervin Santiago |November 19,2023
facebook
share this

Joshua Garcia may inamin tungkol kay Kathryn Bernardo, anong konek sa isang sinehan sa Batangas?

Ervin Santiago - November 19, 2023 - 07:05 AM

Joshua Garcia may inamin tungkol kay Kathryn Bernardo, may konek sa isang sinehan sa Batangas

Kathryn Bernardo at Joshua Garcia

KNOWS n’yo ba kung sino ang first ever celebrity crush ng Kapamilya drama actor na si Joshua Garcia?

Yan ay walang iba kundi ang Box-Office Queen at award-winning actress na si Kathryn Bernardo na hot topic pa rin ngayon sa social media ang sexy pictorial para sa isang magazine.

Game na game na sinagot ni Joshua ang mga maiintriga at personal na tanong nang sumabak siya sa nakakaaliw na “Fan Questions with Cosmo.”

Isa nga sa mga tanong kay Joshua, “Who is your first celebrity crush?” Ilang segundong napaisip ang binata sabay sagot ng, “Kathryn.”

Sey ni Joshua, naging instant fan siya ni Kathryn noong hindi pa siya nag-aartista at noong mapanood niya ang pelikula ng aktres at ng dyowa nitong si Daniel Padilla sa sinehan.

Kuwento pa ni Joshua, yun daw ang unang pagkakataon na makapanood siya ng pelikula sa sinehan at yun din ang first time na humanga siya sa akting ni Kathryn pati na kay Daniel.

Pagbabahagi ni Joshua, “Kaya ko kasi siya naging crush, first experience ko ng sine, tanda ko pa yun, sa SM Batangas.

Baka Bet Mo: Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…

“First experience ko sa sine, yung pinanood ko yung palabas nila ni Daniel na Must Be Love. Simula noon, naging crush ko na siya,” pahayag pa ni Joshua.

Ang “Must Be Love” ay ipinalabas noong 2013, isang taon bago pa maging housemate si Joshua sa “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN noong 2014.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


In fairness, ang dating hinahangaan lang ni Joshua ay isa na sa mga pinakamalapit na kaibigan niya ngayon sa mundo ng showbiz.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes umamin sa presscon ng ‘Senior High’, super crush si Angel Aquino: ‘Ang ganda-ganda niya! Hala, heto na naman ako!’

Sa mga hindi pa nakakaalam, kasama si Joshua sa Nguya Squad, ang tropa nina Daniel, Kathryn, Ria Atayde, Zanjoe Marudo, Alora Sasam, Khalil Ramos, Gabbi Garcia at iba pa.

Samantala, sa panayam namin kay Joshua sa isang event kasama ang ilang piling members ng entertainment media ay nagsalita na siya sa tunay na estado ng relasyon nila ng French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier.
“Para maklaro na lahat and wala nang maitanong ang lahat, baka kasi sabihin nila, dini-deny ko ‘yung babae, ‘di ba?

“Hindi ko siya dini-deny. It’s just that, ako and her decided not to share it to everyone. Kasi ‘yung relationship na ‘yan ay kami lang naman ‘yung parte du’n, e,” paglilinaw ni Joshua.

Mas gusto raw ng aktor na gawing private muna ang kanyang lovelife, “Galing na kasi ako sa iba’t ibang klaseng relationship. Every time na sini-share ko siya sa lahat, parang… nagkakagulo, alam mo ‘yun? Nagiging shaky ‘yung relationship kasi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This time, mas pinapahalagahan ko ‘yung privacy ko para sa ganu’ng aspect. Ganu’ng klaseng ano… hindi lang du’n, pati sa pamilya ko, ‘di ba? Hangga’t maaari kasi, sa panahon ngayon, mas okay kung private na lang tayo,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending