Sanya Lopez mas bet si Joshua Garcia kaysa kay Alden Richards, bakit kaya? Bandera

Sanya Lopez mas bet si Joshua Garcia kaysa kay Alden Richards, bakit kaya?

Therese Arceo |November 03,2023
share this

Sanya Lopez mas bet si Joshua Garcia kaysa kay Alden Richards, bakit kaya?

Therese Arceo - November 03, 2023 - 06:02 PM

Sanya Lopez mas bet si Joshua Garcia kaysa kay Alden Richards, bakit kaya?

HINDI maiwasan ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang humanga sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay sumalang ito sa bagong segment ng show na “Pick and Talk” kung saan papipiliin siya sa dalawang male celebrities na ipapalabas sa LED screen at ibabahagi niya ang rason kung bakit ito ang kanyang napili.

At ang unang lumitaw sa screen na pagpipilian ni Sanya ay ang Kapuso actor na si Alden Richards at Kapmilya actor na si Joshua Garcia.

Tila nahirapan naman ang dalagang oumili sa dalawa.

“Piliin ko muna si Joshia Garcia,” saad ni Sanya.

Pagpapatuloy niya, “Kasi si Joshua parang noong una ko siyang nakita sa ‘Unbreak My Heart’ nila. Sa isang mall, very genuine and parang kinausap niya ako. Parang kasama niya ‘yung mga relatives niya na pwede [daw] bang magpa-picture. ‘Yung lumapit sa akin para sabihin niya sa akin na puwede pong magpa-picture ‘yung family ko. Sabi ko, oo naman ‘no.”

Chika pa ni Sanya, parang siya pa nga ang nahiya sa binata.

“So ‘yung pa lang parang feeling ko, magiging okay kami ‘pag magkasama. Parang wala kaming dull moments,” sincere na sagot niya.

Baka Bet Mo: Sanya Lopez napaluha sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA, inalala si Kuya Germs: ‘Siya po ‘yung naging daan para makilala ninyo ako’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Tila natigilan naman si Sanya nang biglang sinabi ni Tito Boy na iba umanong humalik ang Kapamilya actor.

“Am I right? People talk about it. I spoke to Joshua about it when he was here,” lahad ni Tito Boy.

“Ha? Parang hindi ko pa naman po na-try,” sabi ni Sanya sabay tawa.

Nagkaroon pa raw sila ng small talk ni Joshua kung saan nag-congratulate ang dalaga dahil sa ganda ng “Unbreak My Heart” at pinasalamatan naman siya ng binata.

“Bilang si Joshua sikat na siya and gawin pa niya ‘yun. Pwede namang ‘yung mismong kamag-anak niya yung gumawa, siya talaga [‘yung lumapit],” lahad pa ni Sanya.

Sunod namang pinapili ang Kapuso actress kung si David Licauco ba o si Ken Chan at ang pinili niya ay ang huli dahil matagal na raw niya itong kilala.

“Kilalang-kilala ko na siya. Noong ‘Walang Tulugan’ pa lang po namin, kami na ‘yung sobrang close. Parang halos lahat yata wala akong maitago kay Ken Chan, e,” sey ni Sanya.

Sa huli ay tinanong ang aktres kung sono ang nais niyang maka-date at pinili niya ang Kapamilya actor.

“Gusto ko siyang makilala. Paano ba siya sa tunay na buhay? ‘Yung bilang tao hindi bilang artista. Nakilala kasi natin si Joshua parang very mysterious guy,” paliwanag ni Sanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pa namang pahayag si Joshua hinggil sa pahayag ng Kapuso actress.

Related Chika:
Sanya Lopez handa nang magka-lovelife; bumilib sa inspiring life story ng lady CEO na si Shina Aquino

Sanya Lopez feeling ‘privileged’ nang maimbitahan sa inagurasyon ni Sara Duterte; tinuksu-tukso kay Sandro Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending