Sanya Lopez feeling ‘privileged’ nang maimbitahan sa inagurasyon ni Sara Duterte; tinuksu-tukso kay Sandro Marcos
FEELING blessed and grateful ang Kapuso actress at “First Lady” lead star na si Sanya Lopez nang mabigyan ng pagkakataon na makasama makilala si Vice-President Sara Duterte.
Isa si Sanya sa mga celebrities na naimbitahan sa naganap na inagurasyon ni Sara Duterte bilang Bise-Presidente ng Pilipinas na ginanap sa San Pedro Square, Davao City kamakalawa, June 19.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Sanya ang ilang litrato nila ni VP Sara na may caption na, “Privileged to be invited at VP Sara Duterte’s oath taking ceremony.”
Pinusuan at ni-like naman ng kanyang mga fans at IG followers ang kanyang post. Aliw na aliw ang mga ito dahil finally ay nagkita na raw nang personal ang kanyang First Lady character sa top-rating primetime drama series ng GMA at ang bagong Bise-Presidente ng Pilipinas.
Isa si Sanya sa mga celebrities na nag-perform para sa “Musikahan” concert na in-organize ng Team Sara para sa lahat ng mga sumuporta sa kandidatura ng dating alkalde sa ginanap na May 9 elections.
View this post on Instagram
Samantala, tinuksu-tukso rin ng netizens si Sanya nang kumalat ang photo nila ni Ilocos Norte Representative-elect Sandro Marcos sa social media.
Pero may mga nagkomento naman na mukhang imposibleng magkaroon ng relasyon sina Sanya at Sandro dahil balitang may karelasyon na raw ang anak ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Base sa mga napanood naming video, present din sa inagurasyon ni VP Sara sina Senator-elect Robin Padilla, Sen. Bong Revilla, Jr., Congresswoman-elect Lani Mercado, Herbert Bautista, GMA Network Inc. Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/308879/xian-gaza-sa-patutsadang-mas-mayaman-sa-kanya-si-sandro-marcos-saan-galing-ang-kayamanan
https://bandera.inquirer.net/312397/sharon-binalikan-ang-naging-relasyon-sa-pamilya-marcos-si-bbm-hindi-ko-siya-iniwan-he-was-my-friend
https://bandera.inquirer.net/308755/donny-pangilinan-ikinumpara-kay-sandro-marcos-netizens-nag-react-hindi-po-siya-public-servant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.