Sanya Lopez handa nang magka-lovelife; bumilib sa inspiring life story ng lady CEO na si Shina Aquino | Bandera

Sanya Lopez handa nang magka-lovelife; bumilib sa inspiring life story ng lady CEO na si Shina Aquino

Ervin Santiago |October 11,2023
facebook
share this

Sanya Lopez handa nang magka-lovelife; bumilib sa inspiring life story ng lady CEO na si Shina Aquino

Ervin Santiago - October 11, 2023 - 07:15 AM

Sanya Lopez handa nang magka-lovelife; bumilib sa inspiring life story ng lady CEO na si Shina Aquino

Sanya Lopez at Shina Aquino

NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang bonggang-bonggang project na gagawin niya sa GMA 7 sa pagpasok ng 2024.

Excited na raw ang dalaga para rito kaya looking forward na siya sa susunod na taon. Pero ayaw niya munang magdetalye tungkol dito dahil baka raw maudlot at hindi pa matuloy.

“Basta nakaka-excite siya, sinabi na sa akin kung anong mga magaganap, napakaganda,” aniya.

Basta sigurado raw siyang matutuwa at magugulat ang kanyang mga fans sa next project niya sa GMA 7 na siyang magiging follow-up project after ng very successful run ng “First Lady” kung saan nakatambal niya si Gabby Concepcion.

Nakachikahan namin at ng ilang members ng showbiz press at vloggers ang tinaguriang Kapuso First Lady of Primetime sa launching ng bago niyang endorsement, ang Amara Shia Jewelry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


In fairness, talagang nagningning ang beauty ni Sanya sa suot niyang mga jewelry sa naturang event na nagkakahalaga ng milyones, ayon mismo sa may-ari nitong si Shina Aquino.

Isa sa mga naitanong sa dalaga ay kung ready na ba siyang magka-boyfriend ngayon. Sabi ng dalaga, “Sabi ko nga, kung masabay man during nagtatrabaho ka at may dumating na love life, why not naman?

“Pero sabi nga nila, since medyo ready-ready na tayo, pwede na tayong lumandi,” ang tawa nang tawang chika ni Sanya.

Baka Bet Mo: Inigo may bonggang Father’s Day gift kay Piolo: ‘I don’t wear jewelry but he gave me an Infinity necklace, that’s why I’m wearing it’

Pero bago siya sumabak sa bagong project, balak ng dalaga na magbakasyon muna, “Baka mag-Japan. I’ll try na mag-travel mag-isa pero kung may sumama, go, tara na!”

Natanong din si Sanya tungkol sa muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa GMA kamakailan.

“At first, hindi ko akalain na makakarating ako sa ganun kasi, siyempre, sa ilang years na nandito ako sa showbiz, ang dami kong pinagdaanan,” aniya sa panayam ng GMA Network.

“May mga moments na gusto mo nang sumuko, pero ‘yung mga moments na gusto mo sumuko at hindi ka sumuko, ‘yung ‘yung naging way kung bakit nandito ako ngayon sa GMA, kung anong meron ako.

“Du’n kasi nakikita natin, ‘yung kontrata, hindi siya basta contract. It’s a loyalty na ibinigay mo, ibibigay mo, at patuloy mong ibinibigay para sa network,” aniya pa.

Tungkol naman sa pagiging emosyonal niya nang pumirma siya uli ng kontrata sa GMA, “Ayoko talagang umiyak nu’ng time na ‘yun. Hindi ko in-expect na iiyak nga ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


“Pero ‘yun ‘yung sobrang nata-touch ako na coming from the bosses na ganun ‘yung binigay sa’yo, ibig sabihin, ‘yung tiwala nila sa ‘yo, sobra-sobra.

“Ang magagawa ko lang talaga siguro mas gawin ko pa, galingan ko pa, gawin ko ‘yung best ko at, hindi sana, hindi po kayo mabibigo,” sabi pa ni Sanya.

Samantala, nakaka-inspire naman pala talaga ang life story ng owner at CEO ng Amara Shia Jewelry na si Shina Sevilla Aquino.

Baka Bet Mo: Sanya, Jak naranasan ding lumafang ng tuyo at talbos ng kamote, nangungutang din para makakain

Nagsimula lamang siya initial borrowed capital na P5,000. It all began with online jewelry sales, where she personally managed every aspect of the business, from handling orders and arranging meet-ups to overseeing shipping.

As time passed, Amara Shia Jewelry was established and later on expanded its operations, hired more employees, gained fruitful collaborations, resulting in impressive annual sales, and the successful launch of additional jewelry stores.

“Our aim is to be more accesible in reaching and providing our customers with wide range options of our high-quality jewelry pieces worldwide,” sabi ni Shina.

Sabi naman ni Sanya, “Grateful talaga ako kasi nakakatuwa, e. Si Miss Shina kasi, sobrang humble na alam natin, nu’ng nagsisimula pa lang ay talagang grabe ‘yung pinagdaanan niya, hindi rin bigla na ibinigay sa kanya kung ano ‘yung meron siya ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I always love na maging part ng isang endorsement na talaga namang nagmula sa alam mong pinaghirapan niya nang todo at isa po du’n si Miss Shina,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending