Singil sa tubig tataas pagpasok ng taong 2023 | Bandera

Singil sa tubig tataas pagpasok ng taong 2023

Pauline del Rosario - November 18, 2022 - 09:25 AM

Singil sa tubig tataas pagpasok ng taong 2023

File photo

MGA ka-bandera, simulan na nating magtipid-tipid, lalo na pagdating sa tubig!

Dahil simula next year ay tataas na ang singil sa tubig ng dalawang water company na Manila Water at Maynilad.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), inaprubahan na nila ang rate increase ng dalawang kumpanya para sa susunod na limang taon.

Base sa adjustment rate ng Manila Water ay tataas ito ng P8.04 per cubic meter (cu.m.) sa susunod na taon, P5 per cu.m. sa 2024, P3.25 per cu.m. naman sa 2025, may dagdag-singil din sa 2026 na aabot ng P3 per cu.m. at P1.08 per cu.m. sa 2027.

Ibig sabihin, kung ang kinokonsumong tubig ay umaabot ng 10 cu.m. kada buwan at ang pagbabasehang water rate ay ‘yung sa susunod na taon, edi ang bayarin ay posibleng umabot ng P192.42 kumpara sa binabayarang P151.23 ngayong 2022.

Ang kokonsumo naman ng 20 cu.m. kada buwan ay aabot ng P425 at ang 30 cu.m. kada buwan ay magbabayad ng P866.03.

Binanggit din ng MWSS na ang environmental charge ng Manila Water ay tataas ng 25% next year at 30% naman pagdating ng 2026.

Narito ang breakdown ng Maynilad para sa taas-singil sa mga susunod na limang taon: P3.29 per cu.m. sa 2023; P6.26 per cu.m. sa 2024; P2.12 per cu.m. sa 2025; up to P1.01 per cu.m. sa 2026; at aabot naman ng P1.01 per cu.m. pagdating ng 2027.

Sa madaling salita, ang Maynilad customers na may monthly consumption ng 10 cu.m. ay posibleng magbayad ng P135.70, habang ang mga aabot naman sa 20 cu.m. at 30 cu.m. kada buwan ay magbabayad ng P509.11 at P1,039.64.

Ang environmental charge ng Maynilad ay tataas ng 25% simula sa taong 2025.

Sinabi ni MWSS chief regulator Patrick Lester Ty na ang pagtataas ng singil sa tubig ay para sa mas makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga customer.

Sey ni Ty, “These rate adjustments will enable Manila Water and Maynilad to provide the highest quality of water, sanitation and sewerage services that their customers deserve.”

Related chika:

Krimen sa bansa bumaba, pero bilang ng mga magnanakaw dumami

Pilipinas itinanghal na world’s leading beach at dive destinations

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bureau of Quarantine nagbabala sa mga pekeng website ng eArrival card

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending