Krimen sa bansa bumaba, pero bilang ng mga magnanakaw dumami | Bandera

Krimen sa bansa bumaba, pero bilang ng mga magnanakaw dumami

Pauline del Rosario - November 17, 2022 - 12:30 PM

Krimen sa bansa bumaba, pero bilang ng mga magnanakaw dumami

Photo from the PNP website

BUMABA ang naitalang krimen o “index crimes” ngayong taon, ayon sa report ng Philippine National Police (PNP).

Ang data ay mula noong January 1 hanggang November 13.

Ayon sa PNP, umabot sa 34,050 index crimes ang na-record nila.

Mas mababa ito kumpara sa parehong panahon last year na nasa 2.66% o 932 na krimen.

Malaki ang ibinaba ng krimen sa Luzon na nasa 0.85% o 171 incidents, Sa Visayas ay 6.85% o 522 incidents, at sa Mindanao ay 3.27% o 239 incidents.

Ilan lamang sa mga naiulat na bumabang krimen ay ang murder, homicide, physical injury, rape, at car theft.

Narito ang report mula sa PNP:

  • Murder: from 4,209 to 3,706 cases (11.95% decrease)

  • Homicide: from 997 to 877 cases (12.04% decrease)

  • Physical injury: from 4,704 to 4,551 cases (3.25% decrease)

  • Rape: from 8, 225 to 7,197 cases (12.50% decrease)

  • Car theft (motor vehicles): from 319 to 250 cases (21.63% decrease)

  • Car theft (motorcycles): from 1,676 to 1,637  (2.33% decrease)

Pero nagbabala ang PNP na tumaas ang naitalang bilang ng “theft and robbery” o mga kaso ng pagnanakaw.

Umakyat ang bilang ng theft report ng 9.19% o 11,295 kumpara noong nakaraang taon na nasa 10,344.

Ang robbery report naman ay umabot na sa 4,331 o mas mataas ng 0.30% kumpara last year na nasa 4,318.

Related chika:

Driver ng SUV na sangkot sa kasong hit-and-run at nakasagasa ng sekyu sumuko na sa PNP

Kit Thompson kinasuhan ng PNP dahil sa diumano’y pananakit kay Ana Jalandoni

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake hindi hinayaang maapektuhan ang pagtatrabaho sa naging problema sa PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending