Pilipinas itinanghal na world’s leading beach at dive destinations
MULING kinilala ang Pilipinas na may pinakamagandang karagatan sa buong mundo!
Nagwagi ang ating bansa bilang “World’s Leading Beach Destination” at “World’s Leading Dive Destination” sa awarding ceremony ng 29th World Travel Awards na naganap kamakailan lang sa Muscat, Oman.
Ito ang unang beses na pinarangalan ang Pilipinas sa world’s leading beach spot, habang ika-apat naman sa world’s dive spot.
Ang masayang balita ay kinumpirma mismo ng Department of Tourism (DOT) sa social media.
Sa isang pahayag na ibinandera ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa isang Instagram post, lubos na nagpapasalamat ang ahensya sa nakuhang pagkilala ng ating bansa.
Sey sa post, “The recognition as World’s Leading Beach and Dive Destination by the World Travel Awards 2022 is a global victory for the Philippines that evinces the unparalleled beauty of our country and the distinct warmth of the Filipino people.”
Patuloy pa ng DOT, “We sincerely thank the World Travel Awards and everyone from all over the world whose vote of confidence is timely as the Philippines fully open its arms to welcome tourists to our shores.”
View this post on Instagram
Sinabi rin ng tourism department na ang mga nakuhang awards ay lalong nagbigay ng lakas sa ahensya upang sila’y magtrabaho pa nang mabuti.
“These awards are a source of inspiration for us in the Department of Tourism to work even harder as the Marcos administration ushers in the resurgence of the tourism industry as a major pillar of economic growth and source of livelihood for millions of Filipinos.”
Nabanggit din ni Frasco ang isa pang good news ng kanilang ahensya na kung saan ay umabot na sa dalawang milyon ang international arrivals sa bansa.
Nalagpasan nito ang 1.7 million initial projections ng DOT.
Ayon pa kay Frasco, isa itong patunay na ang pagbibigay prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos sa turismo ang tumulong sa bansa na muli itong bumangon.
Sabi sa Instagram post, “And in even MORE GOOD NEWS, yesterday, we have breached the 2 MILLION mark in international arrivals, surpassing the 1.7 Million initial projections of the DOT.
“Evincing Tourism’s massive contribution to the economy and the livelihood of our fellow Filipinos, estimated visitor receipts for tourism spending are now at Php 100.7 BILLION or a 1,938 % increase from last year’s receipts of Php 4.94 Billion.”
Ani Frasco, “Truly, President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.’s prioritization of Tourism has placed the Philippines on the right track to recovery and resurgence.
Related chika:
Palawan bumandera bilang ‘Most Desirable Island’ sa isang UK magazine
Tarlaqueña kinoronahang Miss Philippines Earth 2022 sa Coron, Palawan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.