Honor student sa Palawan gustong magpaampon: Yung kaya akong pag-aralin, gusto ko talagang makapagtapos | Bandera

Honor student sa Palawan gustong magpaampon: Yung kaya akong pag-aralin, gusto ko talagang makapagtapos

Ervin Santiago - July 14, 2022 - 07:50 AM

Jerico Camparicio

HANDANG gawin lahat ng isang estudyante sa Roxas, Palawan para makapagtapos siya ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Hot topic ngayon sa social media ang consistent honor student na si Jerico Camparicio matapos mag-post ng open letter sa kanyang Facebook account.

Dito, nakasaad na naghahanap siya ng taong pwedeng mag-ampon sa kanya kapalit ng kanyang serbisyo bilang kasambahay para maipagpatuloy niya ang pag-aaral.

Incoming senior high school student na raw siya sa darating na pasukan at ibinandera pa niya ang pagiging honor student sa junior high school nito lang June, 2022.

Panawagan ni Jerico sa kanyang FB post nitong nagdaang July 9, “LF (looking for) guys yong gusto lang po mag ampon sakin yong kaya ako pa aralin kase gusto ko makapagtapos sa pag aaral ko.

“A kung sa loob naman po ng bahay, ako na lang ang maglilinis at magluluto, basta may magpapaaral lang talaga sa akin. Alam ko mahirap na walang pinagtapusan, pero sana naman meron mag-ampon sakin,” aniya pa.

Nabanggit din niya na iniwan na raw sila ng kanilang ama noon pang 2005 habang may iba nang pamilya ang kanyang ina. At habang nakikitira sa isang kaibigan, nagtitindi raw siya ng tuyo, puto bumbong at iba pang pagkain sa online.

“Iniwan kasi ako ni papa, nag-uwi siya ng Negros at hindi niya ako sinusuportahan, at si mama naman, nag-asawa ng bago, mas priority niya pa ang asawang bago kesa sa akin. Kung saan ako nagsisikap mag-aral, doon niya naman hindi ako sinusuportahan.

“Ako lang po ang nagsisikap sa pag-aaral dahil gusto ko magtapos sa pag-aaral ko. Nakikitira ako sa kaibigan ko, nagpa-part-time po sa trabaho, at saka nagbebenta ako online para may kita din, para hindi ko mapabayaan ang pag-aaral ko,” kuwento pa niya.

Anim daw silang magkakapatid, pero siya na lang ang nagsusumikap na makapagtapos.

“Ang gusto ko lang naman po makapagtapos ko ang pag-aaral ko, maabot ko yung pangarap ko.

“Masakit na dina-down kaya nga nagsisikap akong mag-aral para maabot yung pangarap ko, kaso hindi niyo ako sinusuportahan.

“Kaya gusto ko na lang magpa-ampon sa ibang tao. Sana maintindihan niyo,” sabi pa ni Jerico na nag-sorry pa sa kanyang nanay dahil sa pangarap niyang maka-graduate.

Mensahe naman niya sa mga kabataan, “Ang masasabi ko sa mga katulad ko na mga kabataan, wag po nila sasayangin ang pagpapaaral ng mga magulang nila. Sana magsikap tayo kasi ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

“Sana naman wag kayong susuko dahil ang mga working students nagtitiis dahil gusto makapagtapos sa pag-aaral, at maabot ang kanilang pangarap. Wag kayong susuko,” aniya pa.

Marami namang netizens ang nag-suggest sa kanya ng ilang paraan para makapag-aral nang libre tulad ng pag-a-apply sa mga scholarship programs ng gobyerno at sa private sector.

May ilan ding residente sa Roxas, Palawan, ang gustong makipag-usap kay Jerico para maabutan siya ng tulong.

https://bandera.inquirer.net/285199/dingdong-tinupad-ang-kabilin-bilinan-ng-magulang-matinding-hirap-ang-dinanas-bilang-working-student

https://bandera.inquirer.net/290444/cassy-proud-working-student-nag-aaral-habang-nasa-lock-in-taping-stressful-but-fun

https://bandera.inquirer.net/286891/sa-wakas-jodi-naka-graduate-na-sa-college-makalipas-ang-mahigit-1-dekada

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending