Tarlaqueña kinoronahang Miss Philippines Earth 2022 sa Coron, Palawan | Bandera

Tarlaqueña kinoronahang Miss Philippines Earth 2022 sa Coron, Palawan

Armin P. Adina - August 06, 2022 - 03:33 PM

Miss Philippines Earth 2022 sa Coron, Palawan

Kinokoronahan ni Naelah Alshorbaji si Jenny Ramp bilang Miss Philippines Earth./MISS PHILIPPINES EARTH FACEBOOK LIVE SCREENSHOT

HINIRANG bilang 2022 Miss Philippines Earth si Jenny Ramp ng Santa Ignacia, Tarlac, sa palatuntunang idinaos sa Tag Resort in Coron, Palawan, ngayong umaga ng Agosto 6. Minana niya ang korona mula kay Naelah Alshorbaji na nagtapos sa Top 8 ng 2021 Miss Earth pageant na idinaos nang virtual.

Sa mga virtual na edisyon din ng Miss Philippines Earth nasungkit ni Alshorbaji at ng nauna sa kanyang si Roxanne Baeyens (na kilala ngayon bilang Roxie Smith sa Kapuso network) ang mga pambansang korona nila. Naging online ang mga patimpalak noong 2020 at 2021 dahil sa pandemyang bunga ng COVID-19.

Ito ang unang pagkakataon na nagtangahl ng pisikal na palatuntunan ang organayser na Carousel Productions mula nang nagsimula ang pandemya.

Nagsimula ang patimpalak ngayong 2022 na may 39 kalahok na nagtagisan sa virtual competitions. Umusad ang Top 20 sa pisikal na yugto ng kompetisyon.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ᴊᴇɴɴʏ ʀᴀᴍᴘ (@jenny.ramp)

 

Hinirang ding mga reyna sina Miss Philippines Air Air Jimema Tempra from Jasaan, Misamis Oriental, Miss Philippines Water Angeline Mae Santos from Trece Martires City, Miss Philippines Fire Erika Vina Tan from Legazpi City, at Miss Philippines Ecotourism Nice Lampad from Bayugan City.

Wagi sina Miss Philippines Earth Jenny Ramp (gitna) at ‘elemental queens’ na sina (mula kaliwa) Angeline Mae Santos, Jimema Tempra, Erika Vina Tan, at Nice Lampad./MISS PHILIPPINES EARTH FACEBOOK LIVE SCREENSHOT

Dahil sa malakas na buhos ng ulan, pansamantalang naantala ang pagsisimula ng palatuntunan. Gumulong ito ilang oras mula sa takdang panahon, at muling inantala ng ulan makaraang ipakilala ang Top 10. Napilitan ang produksyon na sumilong at idaos ang sumunod na bahagi ng palatuntunan sa isang indoor venue.

Si Ramp ang kakatawan sa bansa sa 2022 Miss Earth pageant na gagawin dito sa Pilipinas bago magtapos ang taon.

Samantala, nauna nang hinayag sa Vietnam na doon itatanghal ang 2023 Miss Earth pageant. Idinaos na doon ang pandaigdigang patimpalak noong 2010.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Miss Earth 2018 Celeste Cortesi join naman sa Miss Universe PH 2022: I know my purpose, kilala ko na ang sarili ko

Miss Philippines Earth nag-disqualify ng 3 kandidata dahil kinapos sa height

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending