Miss Earth 2018 Celeste Cortesi join naman sa Miss Universe PH 2022: I know my purpose, kilala ko na ang sarili ko Bandera

Miss Earth 2018 Celeste Cortesi join naman sa Miss Universe PH 2022: I know my purpose, kilala ko na ang sarili ko

Ervin Santiago |February 28,2022
share this

Miss Earth 2018 Celeste Cortesi join naman sa Miss Universe PH 2022: I know my purpose, kilala ko na ang sarili ko

Ervin Santiago - February 28, 2022 - 07:37 AM

Celeste Cortesi

MAS handang-handa na ngayon si Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortesi sa muling pagsabak sa national beauty pageant.

Kumpirmado nang sasali ang dalaga sa Miss Universe Philippines ngayong taon para tuparin ang pangarap niyang maging pambato ng bansa sa sikat na international pageant sa buong universe.

Si Celeste ay ay ang Filipino-Italian beauty queen na nanalong Miss Earth Philippines noong 2018. Nakapag-submit na siya ng application para sa nasabing national pageant na magaganap sa April 30, 2022.

Ayon kay Celeste, napakarami nang nagbago sa kanya lalo na sa mga pananaw at paninindigan niya sa buhay  simula nang lumaban siya sa Miss Earth 2018 kung saan umabot siya sa Top 8. 

“The last time people saw me, I wasn’t even sure of who I am. But now that I’m here in the Philippines for almost five years, I know who I am.

“I really know my core values. This is what I want to bring to Miss Universe Philippines,” pahayag ng dalaga.

Dugtong pa ni Celeste na naging busy sa pagmo-model at real estate business nitong mga nakaraang taon, “I know my purpose, I know what I can bring to Miss Universe Philippines. It’s going to be an amazing journey.”

Tungkol naman sa mga advocacy na patuloy niyang ipaglalaban kapag naiuwi niya ang Miss Universe Philippines crown, nabanggit niya ang “indigenous people and land rights.”

“My advocacy is about indigenous people. Because me being half-Filipina I really wanted to discover who was the Filipino. I want to go to places in the Philippines and experience their culture.

“And I would also bring more awareness on their land rights because as a real estate agent, I also want to do that. I also want to teach people and help them be more aware of the small groups here in the Philippines that are sometimes not heard or seen enough by the community,” aniya pa.

Para naman sa mga ginagawa niyang preparasyon sa 2022 Miss Universe Philippines, inamin ng dalaga na kinakarir niya ang kanyang public speaking skills, pasarela, at styling. 

“I already started training way before because I promised myself if I was going to join another pageant, I really want to be ready for it 100%,” chika pa ng beauty queen.

Rabiya handang-handa nang sumabak sa akting; may planong mag-join sa ibang pageant?

Megan Young na-intimidate kay Janine Togonon

Jessy handang-handa nang magbuntis: Gusto talaga ni Luis 2 or 3 kids

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending