4 nalunod, 1 pa nawawala sa ilog sa Pangasinan | Bandera

4 nalunod, 1 pa nawawala sa ilog sa Pangasinan

John Roson - November 15, 2019 - 06:27 PM


APAT katao ang nalunod at isa pa ang nawawala matapos umanong maanod habang naliligo sa bahagi ng Agno River na sakop ng San Carlos City, Pangasinan, ayon sa pulisya.

Natagpuan ang ang mga labi ng 11-anyos na si Raymart Peralta, ang ikaapat na nasawi, dakong alas-2:30 ng hapon Huwebes sa bahaging ilog na nasa Brgy. Salumague, bayan ng Aguilar, ayon sa ulat ni Lt. Col. Garie Noel Pascua, officer-in-charge ng San Carlos City Police.

Una nang natagpuan sina Jaymark Zuniega, 10, at Jaypee John Lacaba, 12, sa bahagi ng ilog sa San Carlos at dinala sa Virgen Milagrosa Medical Center, ngunit kapwa idineklarang patay.

Buhay nang matagpuan si Sheryl Palania, 30, matapos ang insidente at dinala sa parehong pagamutan, pero binawian ng buhay, ani Pascua.

Pinaghahanap pa ng mga pulis at miyembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council at Coast Guard si Dionisio Lacaba, 11.

Naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon Miyerkules, sa bahagi ng ilog na nasa Brgy. Salinap.

Sadyang nagtungo doon si Palania at ang mga binatilyo, na pawang kanyang mga kamag-anak, para mag-swimming, ani Pascua.

“Sa kalagitnaan ng kanilang paliligo ay napadpad sila sa malalim na bahagi ng ilog kung saan sila nalunod,” aniya.

“Pinaniniwalaang naanod sila dahil sa malakas na agos ng tubig,” sabi pa ng police official.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending